560 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang bagong arsobispo ng Maynila.
Inanunsyo ito ng Vatican ngayong araw March 25, alas dose ng tanghali sa Roma at alas-siete ng gabi sa Pilipinas.
Si Cardinal Advincula ang ika 33 arsobispo ng Maynila na kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle na itinalagang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples sa Vatican noong 2019.
Ang bagong arsobispo ng Maynila na tubong Capiz ay ipinanganak noong Marso 30, 1952.
Naordinahan pari taong 1976 sa Archdiocese ng Capiz. Itinalagang obispo sa diyosesis ng San Carlos noong 2001 Kung saan nanilbihan ito ng sampung taon bago maging ikaaapat ng arsobispo ng Capiz noong 2012.
Nobyembre 2020 nang mapabilang sa College of Cardinal si Cardinal Advincula makaraang italaga ni Pope Francis.
Siya rin ang kasalukuyang Vice Chairman ng Committee on International Eucharistic Congress at ng Office on Women ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.