321 total views
Inihayag ng bagong talagang arsobispo ng Maynila na pagbabahagi ng biyaya ng bokasyon ang pagkahirang niya bilang pinuno ng arkidiyosesis.
Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula, sinabi nitong bilang pastol ng simbahan ay mahalagang maibahagi sa mananampalataya ang kaloob ng bokasyon na kanyang tinanggap.
“Having been chosen by God to be one of his ordained ministers is already a gift for me, a gift not to be kept for myself alone but this is also a gift that should be used by me for the service of the people of God,” pahayag ni Cardinal Advincula.
Matatandaang ika-25 Marso, 2021 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Our Lady of Annunciation ay pormal na itinalaga si Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Maynila makaraan ang mahigit isang taong sede vacante.
Sinabi ng Cardinal na nakaramdam ito ng bahagyang takot sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglingkod siya sa highly urbanized city.
Unang nanilbihan ang arsobispo ng isang dekada sa Diyosesis ng San Carlos sa Negros noong 2001 bago mailipat sa Arkidiyosesis ng Capiz noong 2012 hanggang sa kasalukuyan.
Sa kabila nito buong pusong ipinagkatiwala ng Cardinal sa Panginoon ang kanyang bagong misyon na maging punong pastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ng Arkidiyosesis.
“Ang naramdaman ko when I was told by the nuncio that the Holy Father has appointed me na archbishop of Manila yung takot kasi that will be my first time to be assigned sa isang highly urbanized area ang Metro Manila which is the capital of the country; I know it is very challenging assignment and very overwhelming but because this is the will of God and of the Holy Father then by obedience I have to accept, ” ani Cardinal Advincula.
Si Cardinal Advincula na tubong Dumalag Capiz ay ipinanganak noong Marso 30, 1952 at naordinahang pari noong Abril 14, 1976 sa Arkidiyosesis ng Capiz.
Naging spiritual director ng St. Pius X Seminary sa Capiz kung saan nagturo at naging Dean of Education.
Nag-aral ng psychology sa De La Salle University of Manila, canon law naman sa University of Santo Tomas, licentiate ng canon law sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas-Angelicum sa Roma.