24,901 total views
Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mamamayan na suportahan ang inihandang special programs ng himpilan ngayong Semana Santa.
Mapakikinggan ang pagninilay ng mga pari sa temang “Simbahang Sinodal, Dumalangin at Manalangin sa Taon ng Panalangin’ mula March 26, Martes Santo hanggang March 30, Sabado Santo.
Ilan sa mga tampok na panayam ang ibabahagi ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican kung saan tatalakayin ang paksang ‘Freedom to Hope’ na mapakikinggan sa Huwebes Santo sa alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon.
Sa Miyerkules Santo ang panayam ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mapakikinggan sa alas siyete hanggang alas otso ng umaga kung saan pagnilayan ang paksang ‘Mga Bagong Direksyon at Pagkakataon para sa Misyon’ habang sa Huwebes Santo naman ng alas 11 hanggang alas 12 ng tanghali ang paksang ‘Journey from Life to Death and Eternal Life.’
Tampok din sa Huwebes Santo ang live coverage ng himpilan sa Chrism Mass sa alas siete ng umaga mula sa Manila Cathedral na pangungunahan ni Cardinal Jose Advincula habang sa alas kuwatro ng hapon ang ‘Evening Mass of the Lord’s Supper’.
Matutuhanghayan naman sa alas siete ng gabi ang Visita Iglesia on the Air tampok ang pitong simbahan; ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, Minor Basilica of Our Lady of Rosary of Manaoag, Parish and National Shrine of Our Lady of Fatima, National Shrine of Our Lady of Guadalupe, Minor Basilica of Immaculate Conception o Manila Cathedral, at ang National Shrine of Our Lady of Lourdes.
Sa Biyernes Santo naman ang Siete Palabras na mapakikinggan sa alas dose ng tanghali mula National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila o Sto. Domingo Church habang sa alas tres ng hapon ang Pagpaparangal sa Krus mula sa Minor Basilica ang National Shrine of Jesus Nazareno.
Sa alas otso hanggang alas nuebe ng gabi ang mga pagninilay na ibibigay ni Diocese of Malolos Bishop Dennis Villarojo.
Sa Sabado Santo ng alas otso ng gabi ang pagdiriwang ng Bihilya sa Muling Pagkabuhay ni Hesus mula sa Manila Cathedral na pangungunahan ni Cardinal Advincula.
Bukod sa radyo matutunghayan ang special programming ng himpilan ngayong Holy Week sa DZRV 846 Facbook Page, Veritas PH Youtube Channel, Cignal Cable Channel 313 at sa Veritas TV Sky Cable 211.