191 total views
Communion and solidarity para sa mga Filipino ang beatification ni Japanese martyr Justo Takayama Ukon na namatay sa Maynila.
Ito ang pagninilay ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang pagdalo ngayon sa beatifictaion ni Justo Takayama Ukon sa Japan.
Ayon kay Cardinal Tagle, dumalo siya sa beatificiation bilang representative ng Archdiocese ng Manila dahil si Ukon ay isang Japanese na naging Katoliko at napatapon at namatay sa Maynila noong 1615.
Pagbabahagi pa ng Kardinal, nakilalang siyang martir ng ating pananampalatayang Katoliko kung saan mayroon siyang statue sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang beatification ni Ukon ay malaking mensahe sa mga Katolikong Filipino na namatay na isang martir sa Pilipinas habang ang Pilipinong santo na si San Lorenzo Ruiz ay namatay sa Japan.
Ayon kay Cardinal Tagle, makikita natin dito ang kagandahan ng “commnunion and solidarity” ng dalawang banal bilang mga saksi ng ating panginoong Hesus.
“He died as a martyr.A Japanese who died in Manila. Our Lorenzo Ruiz died in Japan. Communion & solidarity in witness to Jesus.”pahayag ni Cardinal Tagle
Si Ukon Takayama ay parang isang refugee. Tinanggap siya nang mainit ng mga Pilipino bilang saksi kay Jesus. Sa pagtanggap natin sa mga dukha, refugee at inaalipusta, baka isang martir o santo ang dumarating. Huwag natin silang Itataboy, pagninilay pa ng KArdinal
Si Takayama Ukon ay ipinanganak noong 1552 at nabinyaganag Katoliko sa edad na 12 sa panahon ng Tokugawa Feudal government sa Japan na ipinagbawal ang pagiging Katoliko at dahil sa kanyang paninindigan sa kanyang pananampalataya ay napatapon siya sa Pilipinas.
Namatay si Ukon dahil sa kanyang karamdaman matapos ang 40-araw na pamamalagi niya sa lungsod ng Maynila kasama ang 300-pang Japanese national.
Makalipas ang 400-taon ng kanyang kamatayan ay inaprubahan ng Santo Papa ang kanyang beatification matapos panindigan ang pagiging Katoliko sa kabila ng pagkawala ng kanyang yaman, posisyon at dangal.
Si Ukon ang nagsimula at nagtatag ng seminaryo sa Takatsuki at Osaka sa Japan na naging dahilan ng paglago ng bilang ng mga Katoliko sa nasabing bansa.
Kasama sa kanyang mga naturuan na mga cathechist at missionaries ay naging martir din tulad ni St.Paul Mikki na isang heswita.