210 total views
Ikinasiya ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pinagmulang bansa ng mga napiling bagong kardinal ng Santo Papa.
Ayon kay Cardinal Tagle, wala mang bagong Kardinal na nagmula sa Pilipinas ay ikinagagalak pa rin niya ang paraan ng pagkakapili ng Santo Papa sa mga bagong miyembro ng College of Cardinals ng Simbahang Katolika.
“There are 17 new Cardinals na na-announce by the Pope, walang Pinoy but Malaysia will have their first Cardinal ever, Bangladesh also and Papua New Guinea their first ever Cardinals,” pahayag ni Cardinal sa Radio Veritas.
Inihayag ni kanyang Kabunyian na nakatutuwang nagkaroon ng Kardinal sa unang pagkakataon ang bansang Malaysia, Bangaldesh at Papua New Guinea.
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang paghirang ng Santo Papa sa isang Obispo mula sa Italya na nakaassign sa Syria ay malaking patunay na totoo ang kaniyang mensahe na pagtuunan ng pansin ang mga pinaka-maliit sa lipunan at pagsusulong niya ng kapayapaan sa mga bansang may digmaan.
So I think the holy father is taking ‘the peripheries’ seriously. There is one Italian among the new cardinals. But he is based in Syria as apostolic nuncio. During these past years of violence and conflict his residence has been damaged too but he remains with the people. Making him cardinal is a beautiful sign of the church’s solidarity with the suffering and an appeal for peace,”pahayag ni Cardinal Tagle.
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang highlight ng campaign for peace in Syria ang rason sa pag-appoint ni Pope na Kardinal sa Apostolic Nuncio.
Ang mga bagong Kardinal ay sina:
Archbishop Mario Zenari in Italy
Archbishop Dieudonné Nzapalainga in Central African Republic
Archbishop Carlos Osoro Sierra in Spain
Archbishop Sérgio da Rocha in Brazil
Archbishop Blase J. Cupich in U.S.A
Archbishop Patrick D’Rozario in Bangladesh
Archbishop Baltazar Enrique Porras Cardozo in Venezuela,
Archbishop Jozef De Kesel in Belgium;
Archbishop Maurice Piat in Mauritius,
Archbishop Kevin Joseph Farrell in U.S.A.
Archbishop Carlos Aguiar Retes in Mexico;
Archbishop John Ribat in Papua Nuova Guinea,
Archbishop Mons. Joseph William Tobin in U.S.A.
Archbishop Anthony Soter Fernandez, Archbishop Emeritus of Kuala Lumpur Malaysia
Archbishop Renato Corti, Archbishop Emeritus of Novara Italy
Archbishop Sebastian Koto Khoarai, Bishop Emeritus of Mohale’s Hoek Lesotho
Father Ernest Simoni, presbytery of the Archdiocese of Shkodrë-Pult, Scutari – Albania
Gagawin ang consistory ng 17-Cardinal sa ika-29 ng Nobyembre bago ang selebrasyon ng pagtatapos ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy ng Simbahang Katolika.