263 total views
Nagpaabot ng panalangin, pakikidalamhati at pakikiisa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga taga Cebu at sa mga kamag-anak ng namayapang Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.
Sa kanyang mensahe sa isinagawang misa bago ang libing, inalala ni Cardinal Tagle ang kabutihan ng namayapang Cardinal.
Ayon kay Cardinal Tagle, pinapahalagahan ni Cardinal Vidal ang bawat isa na walang katumbas na anumang halaga ng salapi at itinuturing niyang pamilya ang sinuman dahil sa kanyang pagmamahal na ipinapakita sa kapwa.
“My dear, which means my beloved, whom you consider as part of your heart. But at the same time, to say that someone is dear we used the same expression when you looking at an object that is expensive, you are precious.” mensahe ni Cardinal Tagle
Bukod dito, sinabi ni Cardinal Tagle na tiyak ikinalulugod ng Panginoon ang gawain ng namayapang dating Arsobispo ng Cebu sa pagiging isang mabuting pastol.
Sa tala naman ng Cebu City Police Office, tinatayang higit sa 50 libong indibidwal ang nakiisa sa paglibing ni Cardinal Vidal kaninang umaga.
Nanilbihang Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Cebu sa loob ng 29 na taon si Cardinal Vidal at nagretiro noong 2011.