Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, inirekomenda ang panonood ng “The Messiah”.

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Pinuri at pinasalamatan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Missionaries of the Poor
sa napakagaling at makabuluhang pagbuo ng “The Messiah: A spectacular Jamaica Reggae musical of the greatest truth ever told” na tampok sa Star theater, Star city, CPP complex, Pasay city at iba’t-ibang school sa Metro Manila
at karatig lalawigan.

Namangha at natuwa si Cardinal Tagle sa galing at magandang presentation ng musical play na “The Messiah”
na nagpapakita ng pag-asa sa mga mahihirap at pagliligtas ni Hesus sa sangkatauhan.

Ayon kay Cardinal Tagle, magagaling ang cast ng musical play at mararamdaman mo ang inspirasyon at paghipo
sa bawat puso ng mga eksena at kuwento ng pagliligtas ni Hesus sa sanlibutan.

“No matter how often the story is told, no matter what form the story is presented to us, it never fails to touch us because it is about love, love eternal and it is never finish and it will continue and hopefully thru us the Messiah
will again become flesh in love, in concrete actions of love.”pahayag ni Cardinal Tagle

Mensahe ng Kardinal sa pamamagitan ng musical play ay maramdaman natin na hindi natatapos ang pagliligtas
ng Diyos at magpapatuloy ito sa pamamagitan ng ating mga kawanggawa at pagtulong sa mahihirap.

Sinabi ni Cardinal na napakaganda ng interpretasyon ng mga gumanap sa kani-kanilang mga karakter
na mga tauhan sa bibliya na ang bawat sayaw at pag-awit ay punong-puno ng pag-ibig.

“I really appreciate how the characters had been treated with so much compassion, so much love and mercy.
So let us give them a big hand, to father and the casts. Every movement, every dance, every note was done executed with love specially for the poor whom Jesus love. Thank you very much and congratulations”.
pasasalamat ni Cardinal Tagle

Pinuri ng Kardinal ang napakagandang musical play dahil naipakita ng Missionary of the Poor na mga mahihirap ang kanilang inspirasyon sa pagtatanghal.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang “The Messiah” ay pagpapakita ng pag-asa para sa mahihirap tulad ng naranasan
ng mga taga-Israel noon na sa kabila ng mga pagsubok ay umaasa silang ang Diyos ay mananaig at mangunguna para sa kanila.

“The Messiah… I am sure when you hear the word Messiah you associate it with the music of Handel…”
that beautiful piece of music that never fails to touch the hearts of viewers and listeners.
And now we will have another version of the messiah, but whatever version it is, its celebrates hope for the people
of Israel, a people subjected to a lot of trials and sufferings, the hope for new life was sustained by the dream that
one day God will intervene in their history.”mensahe ni Cardinal Tagle

Nilinaw ni Cardinal Tagle na ang totoong Messiah ay hindi ang Diyos na inaasahan ng mundo na magtatangi lamang para sa kanilang political at economical na kapangyarihan sa halip magtatangi sa kaharian ng katotohanan, katarungan, paggalang sa sangkatauhan, pakikiisa, pakikipagkasundo at kapayapaan.

Dagdag ng Kardinal, ang tunay na Messiah ay nagmamahal at kumikiling para sa mga taong simple at mahihirap.

“When God intervenes in human history in a final and definitive way, it would be through the Messiah..
A Messiah that is not like the one expected by the world. A Messiah not of political, economic and military might,
but a messiah that will inaugurate God’s kingdom, a kingdom of truth, justice, respect for human beings, solidarity, forgiveness, reconcilliation and peace. The messiah who is one with the poor and the simple.”
dagdag pahayag ng Kardinal

Kaugnay nito, personal na hinihikayat ni Cardinal Tagle na panoorin ang musical play lalu na ngayong kuwaresma upang lumalim ang pagkilala natin kay Hesus.

Bukod sa magandang aral, tinitiyak ng Kardinal na ang panunood ng “The Messiah” ay makakatulong tayo sa mga mahihirap, mga maysakit, mga inabandona na pinangangalagaan ng Missionaries of the Poor.

Mapapanood ang “THE MESSIAH Musical play” sa ika-18 ng Marso ganap na alas-dose ng tanghali at ika-19
ng Marso alas-siyete-y-medya ng gabi sa Star theater, Star city lungsod ng Pasay.

Maari din itong mapanood sa mga school shows sa ika-15 ng Marso, alas diyes ng umaga sa Manressa school Paranaque city, ika-16 ng Marso sa San Beda College at ika-17 ng Marso sa Malate Catholic school at St. Jerome Emiliani Institute, Bacoor, Cavite.

Ang mga beneficiaries ng musical play ng Missionaries of the Poor ay mga mahihirap na umaabot sa 30-libo
na kanilang kinakalinga at para sa pagpapatapos ng Divine Mercy Apostolate Center sa San Andres Bukid,
Sta. Ana Manila.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 1,179 total views

 1,179 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 6,987 total views

 6,987 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 12,786 total views

 12,786 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 31,345 total views

 31,345 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 44,576 total views

 44,576 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 27,862 total views

 27,862 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December 25, 2018 It is Christmas. It means that God has become like us in all things except sin. God has embraced our hunger and poverty. God has joined us in

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 27,872 total views

 27,872 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon Today is the feast of Saint Matthew one of the writers of the Gospel. He found Jesus. He followed Jesus. He wrote about Jesus. He died like Jesus offering the

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Final Message of the Second Synod of Lingayen Dagupan

 27,858 total views

 27,858 total views MESSAGE to the PEOPLE OF GOD Communioas Gift and Mission We were called together by the Lord and now he sends us forth! We your brothers and sisters, members of the Second Synod of Lingayen Dagupan,came together in the name of the Lord around our Archbishop Socrates from the many different parishes, schools

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 27,897 total views

 27,897 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S. David Santa Quiteria Parish Church Diocese of Kalookan Caloocan city Dear brother priests in the Diocese of Kalookan, especially the parish priest of Santa Quiteria Parish, Fr. George Alfonso, MSC,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Trafficking of person, kinondena ng Diocese of Antipolo

 27,868 total views

 27,868 total views Nagpahayag ng mariing pagkundena ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo laban sa human trafficking of persons matapos ang kasong kinakaharap ng isang pari ng diocese. Ayon kay Bishop De Leon, seryoso ang kasong kinakaharap ni Monsignor Arnel Lagarejos na trafficking of minor. Kasabay nito, ipinarating ng Obispo ang kanyang pakikisimpatya sa batang sinasabing

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Wholistic formation sa mga kabataan, apila ni Cardinal Tagle sa mga catholic school

 27,851 total views

 27,851 total views Ibigay sa mga kabataan ang wholistic formation. Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Catholic schools sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Unang pinaalalahanan ng kanyang Kabunyian ang mga kabataang mag-aaral na bilang bahagi ng catholic education ay dapat unang matutunan ang pagpapakumbaba, maging maliit, handang

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Blood donors, malugod na pinasalamatan ni Cardinal Tagle.

 27,860 total views

 27,860 total views Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga blood donors sa ipinagkaloob na regalong buhay para sa kanyang kaarawan. Ayon kay Cardinal Tagle,napakagandang ipagdiwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa iba sa pamamgitan ng blood letting o donasyon ng dugo. Sa pamamagitan nito,

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 28,010 total views

 28,010 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa death penalty bill na isinusulong sa Senado. Para lalong patatagin at palawakin ang pagpapahalaga sa buhay, nagpalabas ng circular letter si Cardinal Tagle para sa lahat ng parokya sa arkidiyosesis

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 28,455 total views

 28,455 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya. Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Simbahan at pamahalaan, hindi maaring maghiwalay

 28,133 total views

 28,133 total views Hindi maaring maghiwalay ang Simbahan at pamahalan sa kanilang paglilingkod sa sambayanang Filipino. Ayon sa kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, ang gobyerno ang may responsibilidad sa materyal na pangangailangan ng sambayanan habang ang Simbahan ang sa pang-esperitwal at moralidad ng mga tao. Tiniyak ni Cardinal Rosales na magiging matagumpay ang paglilingkod ng Simbahan

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 27,909 total views

 27,909 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Archdiocese of Lipa sa San Sebastian cathedral kahapon, Abril 21, 2017. Ayon kay Archbishop Villegas, ang Obispo ay tinatawag kakambal ang pagkamatay sa sarili upang tunay

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 27,899 total views

 27,899 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education San Jose Bishop Roberto Mallari na yakapin ng mapagmahal na preseniya ng Diyos ang kaluluwa ng 35-pasahero na nasawi sa bus accident. Ipinanalangin din ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mabuhay sa pagmimisyon, hamon ni Cardinal Tagle sa mananampalataya

 27,857 total views

 27,857 total views Ito ang buod ng mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa padiriwang ng Simbahan ng Linggo ng pagkabuhay o Easter Sunday. Ayon kay Cardinal Tagle, ang libingan ng patay na katawan ni Hesus ay nawalan ng laman upang makapagbigay ng liwanag at buhay sa sangkatauhan. Sinabi ni Cardinal Tagle

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Patanggap kay Hesus, pagtanggap sa mga dukha

 27,883 total views

 27,883 total views Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral. Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Panalangin at pagsakripisyo sa mahal na araw, i-alay para sa kapayapaan sa bansa.

 27,252 total views

 27,252 total views Hinikayat ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang sambayanang Filipino at mananampalatayang Katoliko na i-alay ang panalangin, pagsa-sakripisyo at pag-aayuno ngayong Semana Santa sa pagkakaroon ng kapayapan sa Pilipinas. Ayon kay Bishop Santos, mahalagang sama-samang ipanalangin ang katahimikan sa Mindanao at buong bansa. Hinimok ng Obispo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top