308 total views
Tiniyak ng Association of Major Religious Superiors in the philippines (AMRSP) ang pakikibahagi sa pagsusulong ng layunin ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE).
Ito ay sa kabila ng pag-alis ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa kanyang panibagong misyon sa Roma.
Ayon kay AMRSP executive secretary Fr. Angel Cortez, bagamat nakalulungkot ang pag-alis ni Cardinal Tagle ay dapat namang itong magsilbing hamon para maipagpatuloy ang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa bansa.
“Sa kanyang pagpunta sa Roma ay baon natin yung lahat ng inspirasyon niya at patuloy tayong magiging daan para sa isang Simbahan, para sa kapwa at para sa ebanghelisasyon,” ang bahagi ng paghayag ni Fr. Cortez.
Read: ‘Maging butil ng Panginoon na inihahasik sa sangkatauhan’
Una ng inihayag ng Office of the Promotion of the New Evangelization (OPNE) na ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal Tagle bilang bagong Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang dahilan ng maagang pagsasagawa ng pagtitipon ay bilang pagkakataon na bigyang pagkilala si Cardinal Tagle na siyang ama ng PCNE.
Taong 2013 sinimulan ang PCNE sa pangunguna ni Cardinal Tagle na layuning matalakay ang iba’t iba pang paraan ng pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.