272 total views
Nagpapasalamat ang Caritas Internationalis sa lahat ng nakipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagpaabot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan dahil sa krisis na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019 sa bansa.
Ayon sa Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis, ang Project Ugnayan na resulta ng Oplan Damayan ng Caritas Manila ay pagpapakita ng magandang halimbawa ng pagkakaisa, pagkakawang gawa at pagiging makabayan sa oras na lubos na kinakailangan ng bayan ang pagdadamayan.
Ipinagmamalaki rin ni Cardinal Tagle ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of People ang programa bilang isang modelo ng epektibong pagtutulungan ng Simbahan, Business Sector at pamahalaan tungo sa iisang layunin na makatulong sa mga nangangailangan.
“As our initial response to the COVID 19 pandemic called Project Ugnayan is winding down, I wish to express my gratitude to all of you. In a special way, I thank you for partnering with the Church through Caritas and its Oplan Damayan,” ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.
Ayon pa kay Cardinal Tagle bagamat malaki ang naidulot ng COVID-19 sa pagbabago ng buhay ng tao sa buong mundo dulot ng kawalang hanapbuhay, dami ng naitatalang nahahawaan at namamatay ay hindi naman maitatanggi ang naipamalas ng marami na pagkakawanggawa at pag-ibig para sa kapwa.
Paliwanag ng Cardinal ang pagsusulong ng kapakanan ng bawat mamamayan partikular na ng mga mahihirap at mahihina sa lipunan sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 ay isang simbolo ng muling pagkabuhay ni Hesus kung saan makikita ang pag-asa hatid ni Hesus para sa sangkatauhan.
“But we also cannot deny that the corona virus has generated an equal, or even more powerful pandemix of love and caring. This is Easter. The resolve in our hearts to value every human life and to promote the common good is a sure sign that Jesus is truly risen and will not die again. Thank you for being beares of Easter hope to the poor and vulnerable and for making sincere love contagious,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Una na ring nakipagtulungan ang mga mamumuhunan sa Metro Manila sa Caritas Manila upang magpaabot ng tulong sa mga mahihirap na lubos apektado sa krisis na idinudulot ng COVID-19.
Ang Philippine Disaster Resilience Foundation ay naglunsad ng Project Ugnayan kung saan nakalikom ng 1.5 bilyong piso para maipamamahagi sa mga apektadong pamilya lalu na sa National Capital Region kung saan P1,000 halaga ng gift certificate ang ipamigay na maaring gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Sa bahagi naman ng simbahan katuwang ng Caritas Manila ang mga parokya sa paghahanap ng mga benepisyaryong pamilya na karapatdapat na tumanggap ng tulong mula sa Project Ugnayan.