371 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples na manguna sa beatification ceremony ni Venerable Pauline-Marie Jaricot.
Inanunsyo ang beatification ng santo ni Gaëtan Boucharlat de Chazotte ang Secretary General ng Pontifical Mission Societies (PMS) ng France.
Itinakda sa Mayo 22, 2022 ang gawain sa Lyon France kung saan ayon kay Father Brian Lucas, National Director ng Catholic Mission magandang pagkakataon sapagkat ipagdiriwang din ang ika – 200 anibersaryo ng pagkakatatag ng Society for the Propagation of the Faith na itinatag ng santo noong 1882.
Si Cardinal Tagle ang kauna-unahang Filipino na mangunguna sa beatification ceremony sa kasaysayan.
Ibinahagi ni Fr. Lucas na aktibo si Venerable Pauline-Marie Jaricot sa pagsuporta sa gawain ng misyon bilang layko at nakikipagtulungan sa iba’t ibang religious congregation.
Mas lumago ang Society for the Propagation of the Faith at ginawang Pontifical Mission sa pamamagitan ni Pope Benedict XV na layong ipalaganap ang pagmimisyon at Mabuting Balita sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Bukod sa Pontifical Society for the Propagation of Faith, itinatag din ni Venerable Pauline-Marie Jaricot ang Association of Living Rosary.
Bagamat nasa pamamahala ng Congregation for the Causes of Saints ang beatification ng mga santo,
itinalaga ng Santo Papa si Cardinal Tagle sapagkat ito ang namumuno sa tanggapan ng Propaganda Fidei kung saan nasasakop ang Pontifical Society for the Propagation of the Faith ni Pauline Marie Jaricot.
Ipinganak si Jaricot sa Lyon France noong July 22, 1799 at pumanaw noong January 9, 1862.
January 25, 1963 naman ng idineklarang venerable sa pamamagitan ni Pope John XXIII habang Mayo 26, 2020 nang ipinag-utos ni Pope Francis ang pagproklama ng Decree para sa himalang iniugnay sa tulong ng santo.
Ang beatification process na pinangasiwaan ng Congregation for the Causes of Saints ng Vatican ang nagsagawa ng komprehensibong pag-aaral bago italagang ‘Blessed’ ang isang santo.