477 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kasapi ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments.
Isinapubliko ng Vatican ang pagtalaga nitong June 1 kasabay ng pag-anunsyo sa iba pang obispo na bahagi ng tanggapan.
Sa ilalim ng polisiya ng tanggapan ang mga pari, diyakono at iba pang ordained ministers na nais gumamit sa Old Rite ay kinakailangang magsumite ng kanilang kahilingan sa Cardinal at magkasundong sundin ang new norms ng simbahan.
Ang Congregation for Divine Worship ay pinamunuan ni Cardinal-elect Archbishop Arthur Roche na kabilang sa gaganaping consistory sa August 27.
Si Archbishop Roche ang humalili kay Cardinal Robert Sarah na nagretiro noong Mayo 2021.
Bukop sa pagiging kasapi ni Cardinal Tagle sa Dicastery for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, kasalukuyan ding pinamahalaan ng cardinal bilang Prefect ang Dicastery fo Evangelizations.
Kasapi din si Cardinal Tagle sa iba’t ibang tanggapan tulad ng Congregations: for Catholic Education; for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life; for the Oriental Churches; Pontifical Councils: for Legislative Texts; for Inter-religious Dialogue; Administration of the Patrimony of the Apostolic See; Cardinal Commission for the Supervision of the Institute for the Works of Religion at Gran Chancellor of the Pontifical University Urbaniana.
Bago italaga ni Pope Francis sa Vatican si Cardinal Tagle na arsobispo ng Archdiocese of Manila ay pinamunuan nito ang Caritas Internationalis.