371 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle–Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling mula sa COVID-19.
Ang pahayag ni Cardinal Tagle ay kasabay na rin ng kanyang pagbibigay ng mensahe sa katatapos lamang na 2020 Catholic Educational Association in the Philippines online CONGRESS.
Ayon sa Cardinal malaki ang naitulong ng mga ipinaabot na mensahe ng suporta at panalangin ng bawat isa sa kanyang mabilis na paggaling mula sa sakit.
Paliwanag pa ni Cardinal Tagle, mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga dumaranas ng sakit dulot ng COVID-19 para sa kalakasan ng loob at pagnanais na gumaling mula sa karamdaman sa kabila ng pag-iisa.
“In my case I am very grateful to the many, many people who pray, assuring you that you are not alone, that’s why I could say for the survival either mentally of those who go through this crisis this connectedness what we call dialogue is important, your existence depends on a rediscovery of the reality that you are not alone,” ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.
Pagbabahagi ni Cardinal Tagle bukod sa sakit ay ang pakiramdam ng pag-iisa ang isa ring kalaban na dapat malagpasan ng mga nahawaan ng COVID-19 na hindi dapat manaig ang negatibong kaisipan tulad ng kawalan ng tiwala sa sarili at takot na makahawa sa kapwa at sa pamilya.
Giit ng Cardinal, mahalagang maramdaman ng bawat isa ang patuloy na ugnayan sa kapwa lalo’t higit sa Panginoon.
“Getting out of the quarantine I realize that really for you to survive you need a deep deep deep sense of interconnectedness, deep sense kasi your enemy will be the feeling that you are isolated, that you are a threat now, that you don’t even trust yourself, that you are a danger to yourself and you could be a danger to others and then you feel like baka nga better nalang to isolate yourself and then the isolation also bothers you but it is the sense that you are interconnected, you are connected to God, ” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Sa tala ng Holy See Press Office si Cardinal Tagle ang kauna-unahang opisyal ng Vatican dicastery na nagpositibo sa COVID-19.
Sa Pilipinas apat na Obispo na rin ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan una ng gumaling sa sakit sina Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo at Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez habang nasawi naman dulot ng kumpikasyon sina Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at Imus-Bishop Emeritus Manuel Sobreviñas.