176 total views
Nanatiling ligtas mula sa Covid-19 ang Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle-Prefect of the Congregation for Evangelization of People’s sa kanyang pagdating sa Roma.
Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino,si Cardinal Tagle ay kasalukuyang naka-work from home at ilang araw na mananatilibg nakahiwalay sa nakakarami bilang bahagi ng pag-iingat mula sa nakahahawang sakit.
“The following day he had his swab test at the Vatican, and today (Tuesday in Rome) the results came out, negative for Covid. Earlier, two days before leaving the Philippines, he also tested negative for Covid. He will still maintain self-isolation for some days, working from home at the Pontificio Collegio Filippino,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr. Gaston.
Bago umalis ng bansa, negatibo ang resulta ng swab test ni Cardinal Tagle nang sumailalim sa pagsusuri sa Philippine Red Cross kung saan pinasinayahan niya ang bagong Covid-19 testing facility.
Negatibo rin ang resulta sa isinagawang pagsusuri sa opisyal ng Vatican pagdating nito sa Roma makaraan ang may isang buwang bakasyon sa Pilipinas.
Una na ring nagpositibo sa Covid-19 si Cardinal Tagle nang dumating sa Pilipinas noong Setyembre na sumailalim sa 14-day quarantine bago nadalaw ang kanyang mga magulang sa Imus, Cavite.
Sa pananatili sa bansa, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang misa sa kanyang bayan sa Imus, Cavite, gayundin sa Manila Cathedral.
Si Cardinal Tagle ay dating obispo ng Diocese ng Imus na naitalagang ring Arsobispo ng Archdiocese of Manila bago itinalaga ng Santo Papa Francisco sa isa sa pinakamahalagang tanggapan sa Vatican.
Ang Cardinal ay nagtungo sa Roma simula noong Pebrero para gampanan ang kanyang bagong tungkulin sa simbahan.
Bukod sa pagiging pinuno ng Congregation for Evangelization ng Vatican si Cardinal Tagle rin ang pangulo ng Caritas Internationalis at Catholic Biblical Federation.