428 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa panibagong paksa ng paghahanda ng Simbahang Katolika sa Pilipinas para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa bansa.
Ayon kay Cardinal Tagle, pangungunahan ng Episcopal Commission on Mission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang huling paksa ng paghahanda para sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa susunod na taon na nagsimula noong taong 2013.
“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines through its Episcopal Commission on Mission you know that we are preparing for the celebration of the 500th anniversary of the arrival of Christianity in our country among our people and every year there is a focus.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Sa pamamagitan ng isang video message ay ibinahagi ni Cardinal Tagle ang paksa at tema ng paghahanda ng Simbahan para sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas na tututok sa pagmimisyon.
Ipinaliwanag ng Kardinal ang Year of Missio Ad Gentes na may temang ‘Gifted to Give’ ay naaangkop na paksa na dapat na matutukan ng Simbahan upang higit na maihanda ang mga mananampalataya sa paggunita ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Sinabi ni Cardinal Tagle na isang paghahanda rin ang nasabing paksa para sa hamon ng patuloy na pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at ni Hesus na ibahagi at palaganapin ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Binigyang diin ng Kardinal na ang pagmimisyon ay hindi dapat ituring na isa lamang gawain o tungkulin sa halip ay isang pambihirang paraan ng pagbabahagi ng pag-asa, pananampalataya at kaligtasan na biyaya ng Panginoon sa bawat isa.
“Now we will focus on ‘Missio Ad Gentes’ Mission to other peoples, to other lands and the theme is ‘Gifted to Give’. Mission is not just work, it is sharing the gift of faith that we have received.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Taong 2013 nang sinimulan ng CBCP ang siyam na taong ‘spiritual journey’ o siyam na taong paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglunsad ng paksa na nakabatay sa iba’t-ibang aspekto ng Kristyanismo na ginugunita sa buong taon.