221 total views
March 11, 2020, 11:43AM
Hinimok ng Pontificio Collegio Filippino ang mga mananampalataya na makibahagi sa Lenten Recollection ni Prefect Luis Antonio Cardinal Tagle ng Congregation of Evangelization of Peoples ng hindi umaalis ng kanilang tahanan.
Ang ‘online recollection’ ni Cardinal Tagle ay isasagawa sa ika-15 ng Marso araw ng Linggo simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon oras sa Roma.
Mapapakinggan naman at mapapanood ito sa Pilipinas simula alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Upang mapanood at mapakinggan ang online recollection, i-like lamang ang Pontificio Collegio Filippino facebook page at i-click ang fb.com/collegio sa inyong tablet, cellphone at computer.
“Also like the Facebook Page, from where we will be posting updates on these and future activities,”ayon pa sa FB page ng PCF.
Hinihikayat din ang bawat isa na share o mag-start ng watch party sa Facebook upang mapanood ng mas maraming mananampalataya.
Ang Lenten Recollection ay magsisimula sa isang misa na susundan ng talk ni Cardinal Tagle sa ikalawang bahagi.
Unang ipinagpaliban ang recollection na dapat sana ay gaganapin sa Pontificio Collegio Filippino dahil na rin sa banta ng epidemya.
Sa kasalukuyan ay naka-locked down na ang buong Italya, kabilang na ang Vatican City.