162 total views
Personal na nagpaabot ng mensahe ang Arsobispo ng Maynila sa Archdiocese ng Paris sa pamumuno ni Archbishop Michel Christian Alain Aupetit.
Sa mensahe ng Kan’yang Kabunyian Kardinal Luis Antonio Tagle, inihayag nito ang pakikiisa ng buong Arkidiyosesis ng Maynila sa mga mananampalataya ng Paris kaugnay sa pagkasunog ng Notre Dame Cathedral.
Ikinalungkot ng Kardinal ang naganap na insidente lalo’t kinilala ito ng buong mundo bilang pilgrim site na dinadayo ng mga mananampalataya mula sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Sinabi pa ni Kardinal Tagle na tulad ng ibang manlalakbay na nagtungo sa lugar, maraming Filipinong may malalim na karanasang espiritwal sa pagbisita sa Our Lady of Paris o mas kilala bilang Notre Dame Cathedral sapagkat dito nakalagak ang ilan sa mga relikya ng mga tanyag na Santo kabilang na ang koronang tinik ng Panginoong Hesukristo na dinala ni Saint Louis sa Paris noong ika – 13 siglo.
Tiniyak ni Kardinal Tagle sa Arkidiyosesis ng Paris at sa mga taga Pransya ang buong suporta, pakikiisa at pananalangin upang malagpasan ang mga hamon na kinakaharap bunsod ng pagkasunog ng Katedral.
Itinatag ang Simbahan higit 800 taon na ang nakalipas at patuloy na dinadayo ng halos 12 milyong turista taun-taon.
Samantala umabot na sa higit 800 – milyong Euro ang mga donasyon mula sa iba’t ibang kilalang personalidad sa buong mundo para sa rehabilitasyon at muling pagtatayo ng Notre Dame Cathedral.
Narito ang buong mensahe ni Kardinal Luis Antonio Tagle kay Paris Archbishop Michel Christian Alain Aupetit:
“Your Excellency Archbishop Aupetit In the name of the Archdiocese of Manila, I would like to express our communion with you, the Archdiocese of Paris and the French people on this sad and tragic event. It broke our hearts to see the Notre Dame Cathedral engulfed in fire. Many of us Filipino Catholics, just like other people from all over the world, have had profound spiritual experience when visiting Notre Dame. We assure you of our prayers and solidarity”.
Sincerely in Christ and the Blessed Mother.
+ Cardinal Luis Antonio G. Tagle
Archbishop of Manila