230 total views
Nagpahayag ng pasasalamat ang Jesuit Communications Foundation sa patuloy na pagsuporta at pagsubabay ng mga mananampalataya sa The Word Exposed sa loob ng 10-taon.
Ayon kay JesCom Executive Director Rev. Fr. Nono Alfonso SJ., maituturing na isang milagro na biyaya ng Panginoon ang pag-abot ng 10-taon ng programa na layuning ring makapaghatid ng biyaya sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahagi Salita ng Diyos.
“For The Word Exposed to have reach 10 years it is truly a miracle, the work of God. Indeed 10 years of blessings that is what The Word Exposed is to many of us…” pahayag ni Fr. Alfonso
Ibinahagi rin ng Pari na eksaktong 10-taon na ang nakakalipas noong December 2, 2008 ng unang naisahimpapawid at napanuod sa national television ang unang episode ng The Word Exposed na naglalayong maibahagi at mas maipalapit ang Salita ng Diyos sa mga mananamapalataya.
Dahil dito, nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Fr. Alfonso sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa programa na ngayon ay hindi na lamang sa Pilipinas nagbabahagi ng Salita ng Diyos kundi maging sa iba’t ibang bansa partikular na sa Estados Unidos, Canada at Autralia.
“On December 2, 2008, today is December 2, 2018 the first ever The Word Exposed was premiered on national television and the rest as they say is history blessed history, after 10 years with the show now syndicated in cable tv stations in the USA, Canada and Australia and all over the globe via youtube The Word Exposed is still on the air still spreading the Word of God and for this great blessing we want to thank all of you, you have kept it alive…” Pagbabahagi ni Fr. Alfonso SJ.
Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat ang Pari sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa buong suporta at dedikasyon nito sa pakikibahagi sa layunin ng The Word Exposed na sa kabila ng pagiging abala ay hindi isinantabi at binitawan ang programa.
Pagbabahagi ni Fr. Alfonso, malaki ang papel na ginagampanan ni Cardinal Tagle sa 10-taong tagumpay ng The Word Exposed na mula sa simula ay nagsilbing mukha at boses ng misyon ng Jesuit Communications Foundation upang mas epektibong maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Kaugnay nito, tampok sa isang oras na programa ng The Word Exposed ang mga pananaw at pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Tagle patungkol sa una at ikalawang pagbasa para sa Sunday Gospel sa isang simple, makabuluhan at madaling maisabuhay na pamamaraan.
“And of course thanks especially, greatly to the host of the show because despite his assignments, works, missions it was in the middle of the 10 years that he was appointed Archbishop of Manila and Cardinal of the Philippines sabi namin ‘naku baka hindi na matuloy ang The Word Exposed’ but the Cardinal thanks to him he has not gotten tired of exposing the Word of God and so we thank you Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle maraming, maraming salamat po…” Dagdag pa ni Rev. Fr. Nono Alfonso SJ.
Batay sa tala ng Jesuit Communications Foundation, sa loob ng 10-taon ay umaabot na sa 42 Seasons at 540 Episodes ang nagawa ng The Word Exposed na naglalayon pang mahigitan pa ito upang mas maipalaganap ang Salita ng Diyos.