210 total views
Pumanaw na sa edad na 86 si Ricardo Cardinal Vidal, Archbishop Emeritus ng Arkidiyosesis ng Cebu.
Ang balita ay kinumpirma sa Radio Veritas ni Msr. Joseph Tan ang tagapagsalita ng Archdiocese of Cebu.
“He is now with God. Our immediate concern is to invite everybody to offer their prayers. So that, he will experience the peace of God,” ayon Msgr. Tan sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.
Si Cardinal Vidal ay isinugod sa Perpetual Succour Hospital, Miyerkules ng madaling araw dahil sa pananakip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Nanatili siya sa ICU sa loob ng limang araw at tuluyang nang namayapa October 18, dakong 7:26 umaga dahil sa sakit sa sepsis at pneumonia.
Si Cardinal Vidal ay isinilang noong Feb. 6, 1931 sa Mogpog Marinduque. Inordinahan bilang pari noong 1956.
Naitalaga rin bilang Coadjutor Bishop ng Malolos noong 1971, makalipas ang dalawang taon ay itinalaga naman Pope Paul VI bilang Arsobispo ng Lipa.
Siya rin ay naging pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines simula 1986-1987.
Isa rin si Cardinal Vidal na tumiligsa sa panahon ng diktadurya ng rehimeng Marcos- bilang pangulo ng CBCP at Arsobispo ng Cebu.
Si Cardinal Vidal ay nagsilbi bilang Arsobispo ng Cebu sa loob ng 29 na taon bago siya nagretiro noong 2011 at napiling manatili sa Sto. Niño Village sa Cebu City.