417 total views
Magsisimula na ngayong buwan ng Hunyo ang pamamahagi ng gift certificates ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas 846 para sa mga patuloy na naapektuhan ng pandemya.
Inaasahan na aabot sa P1.38 Million pesos o 1,398 piraso ng gift certificates mula sa Caritas Manila at mga katuwang nito na organisasyon ang ipamimigay sa programa kung saan bawat gift certificate ay nagkakahalaga ng isang libong piso at maaaring gamitin sa isang kilalang grocery store sa bansa.
Ang mga mabibigyan ng gift certificates ay mula sa mga sumusunod na sektor o grupo:
1. Church workers na nawalan ng trabaho o hindi pa rin pinapayagang pumasok sa kanilang parokya.
2. Mga nagta-trabaho sa mga mall, health and beauty services at fast food restaurants at nawalan ng trabaho o hindi pa rin pinapapasok ngayon dahil sa quarantine measures.
3. Mga natanggal sa trabaho dahil sa redundancy mula March 2020 hanggang sa kasalukuyan.
4. Mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil nagsara ang kanilang pinapasukan kumpanya mula Marso ng taong 2020 hanggang sa kasalukuyan.
5. Mga nagta-trabaho sa mga events and leisure related sector, sa mga amenities at tourist attraction at iba pa na kahalintulad na hanapbuhay.
6. Mga nag-positibo ang 2 sa mga miyembro ng kanilang immediate family (Magulang, Anak o Kapatid)
7. Mga nagta-trabaho sa real estate properties o car companies.
Samantala, maliban sa mga nabanggit na sektor ay inaasahan din na mamimigay ng gift certificate ang programang Caritas in Action para sa mga indigent family na may immediate member na kasalukuyan naka-confine sa ospital sa National Capital Region at maging sa mga itinuturing na street families.
Magugunitang mismong ang Caritas Manila ay una ng nagsagawa ng pamimigay ng gift certificate ngayong taong 2021 sa mga napapabilang sa ultra poor families sa Metro Manila o ‘yong mga hindi kumikita ng higit sa P10,000 piso kada buwan.
Para sa iba pang detalye kaugnay sa ipapamahaging mga GC’s sa programa ay maaaring mag-like at magpadala ng mensahe sa Facebook page nito na Caritas in Action o tumawag sa telepono bilang 8 9257931 loc. 182.
Ang Caritas in Action ay napapakinggan sa Radyo Veritas tuwing ala-una hanggang alas dos ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga may medikal na karamdaman na makapanawagan habang nagbibigay din ng impormasyong pangkalusugan, legal at iba pang serbisyo publiko.