1,375 total views
Maituturing na isang mahalagang legacy ng namayapang si Pope Benedict XVI ang Encyclical Letter na Caritas in Veritate.
Ito ang ibinahagi ni Atty. Sonny Matula – pangulo ng Federation of Free Workers kaugnay sa pakikibahagi at pakikiisa ng sektor ng mga manggagawa sa pagpanaw ng dating Santo Papa.
Ayon kay Atty. Matula, kaisa ng buong Simbahang Katolika at mga mananampalataya ang samahan ng mga manggagawa sa pagluluksa sa pagpanaw ng 95-taong gulang na si Pope Emeritus Benedict XVI noong ika-31 ng Disyembre, 2022.
Inihayag ni Atty. Matula na mahalaga para sa mga manggagawa ang suporta at pagsusulong ng dating Santo Papa sa karapatan at kapanan ng mga simpleng manggagawa na naging inspirasyon upang maging organisado ang grupo ng mga manggagawa sa lipunan.
“The Federation of Free Workers (FFW) joins with our Catholic members, other faith leaders and other women and men of goodwill in mourning the loss of Pope emeritus Benedict XVI, who died on 31 December 2022. We remember him with fondness when he said in 63 of Caritas in Veritates, “decent work” is “work that permits the workers to organize themselves freely and to make their voices heard.” May workers continue to be inspired with his call to organize!” pahayag ni Matula sa Radio Veritas.
Iginiit ni Matula na napapanahon pa rin ang panawagan ni Pope Emeritus Benedict XVI sa kahalagahan ang pagkakaisa at pagiging organisado ng mga manggagawa.
“His conclusion that the freedom of workers to organize under common cause into unions and bargain for a better terms and condition of work – as a counter-balance to the influence of unrestricted individual or corporate greed – is relevant in our time more than ever: Godspeed Pope Benedict XVI to the great beyond!” Dagdag pa ni Atty. Matula.
Unang nanawagan sa mga opisyal ng pamahalaan si Pope Emeritus Benedict XVI sa kanyang Encyclical Letter na Caritas in Veritate na panatilihin ang pangangalaga sa kapakanan at integridad ng bawat manggagawa