7,013 total views
Tinanggap ng Caritas Manila ang pagkilalang George S.K. Ty Grant mula sa Metrobank Foundation, Inc. (MBFI) at GT Foundation, Inc. (GTFI).
Sa awarding ceremony na mayroong temang “Engaging Partnerships, Empowering Communities,” tinanggap ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at ni Gilda Garcia – Caritas Manila Damayan Program Officer ang award.
Kaakibat ng pagkilala sa pagdiriwang ng 62nd Anniversary ng Metrobank, ang 550-thousand pesos na donasyon na gagamitin ng Caritas Manila sa kanilang mga Integrated Nutrition Program at Unang Yakap Program na pinapakain ang mga undernourished na mga bata at mga lactating mothers.
Kasamang iginagawad ang George S.K. Ty Grant sa 30 iba pang mga Non-government Organization, Charities at Foundation na tumutugon sa pangangailangan ng mga maralita.
” Caritas Manila is one of the 30 recipients of the George S.K. Ty Grants. Caritas Manila Executive Director, Rev. Fr. Anton Pascual, and Caritas Damayan Program Manager, Ms. Gilda Garcia, attended the George S.K. Ty Grants Turnover Ceremony at the Grand Hyatt Manila on 4 September 2024.
Caritas Manila will receive a P550,000 grant from Metrobank Foundation, Inc. (MBFI) and GT Foundation, Inc. (GTFI) to support 100 poor nutritionally at risk pregnant/lactating mothers through Caritas Damayan’s Unang Yakap nutrition program, With the theme “Engaging Partnerships, Empowering Communities,” the Grants Turnover Ceremony highlights the joint dedication of development organizations to help communities tackle major societal issues. This event is a central feature of Metrobank’s 62nd Anniversary festivities. Thank you, Metrobank Foundation Inc. and GT Foundation, Inc,” bahagi ng mensahe ng Caritas Manila.
Una ng tiniyak ng Caritas Manila ang pakikipagtulungan sa iba pang mga institusyon sa parehong pribado at pampublikong sektor upang matulungan ng mga mahihirap, nagugutom, nasasalanta ng kalamidad at estudyante sa Metro Manila at iba ang bahagi ng Pilipinas
Sa datos ng Social Arm ng Archdiocese of Manila, noong 2022 ay umaabot na sa 75-libong bata ang natulungang makaahon o malabanan ang malnutrisyon.