388 total views
July 28, 2020-1:30am
Walang hinihinging membership fee ang Caritas Manila para sa sinumang nais na humihingi ng tulong.
Nagbabala rin ang social arm ng Archdiocese of Manila sa publiko hinggil sa mga masasamang loob na ginagamit ang tanggapan para makapanloko ng kapwa.
Sa ulat, nakatanggap na reklamo ng Caritas Manila hinggil sa paniningil ng membership fee upang makatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga lima hanggang sa 10-libong piso.
“Since last week, we have been receiving complaints that some people have been going around collecting membership fees to qualify for the alleged “financial assistance” from Caritas Manila. Please be informed that we do not collect any membership fees and we are not providing financial assistance amounting to PhP5000 to 10000,” ayon sa pahayag ng Caritas Manila.
Hinikayat din ng Caritas Manila ang publiko na kagya’t ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang ganitong uri ng pananamantala.
Sakaling may indibidwal na humihingi ng salapi o donasyon gamit ang pangalan ng Caritas Manila mangyari lamang na ipagbigay alam ito sa telepono bilang 8-562 00 20 hanggang 25 local 131.
Maari ring magpaala ng pribadong mensahe sa Islas-Caritas Manila page o Caritas Islas facebook account.
Una na ring nanawagan ang simbahan sa bawat isa na huwag gamiting dahilan ang pandemya para makapanlamang o manloko ng kapwa.