Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

SHARE THE TRUTH

 56,746 total views

Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental.

Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa mga apektadong pamilya.

“kanina nagpunta na ako sa grocery nakatanggap ako ng worth P200,000 galing sa Caritas Manila, salamat po sa Caritas Manila kay Rev. Fr. Anton [Pascual] at sa mga supporters ng Caritas [Manila] Salamat po sa inyo” mensahe ni Fr. Osmeña sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa Pari, marami pa din sa mga naapektuhan ng pagbaha ang nananatili ngayon sa mga evacuation center at posibleng dito na abutin ng paglipat ng taon.

“Nandito na kami sa phase na nakuha na namin yung data kung ilan so far yun ibang mga tao hinay-hinay bumabalik na sa kanilang mga bahay pero mas marami ang hindi pa nakabalik kasi totally destroyed at yun iba partially destroyed ang bahay nila marami pa din putik sa may tatlong municipality dito sa Misamis Occidental.” pahayag ng Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis.

Nakikita ng Arkidiyosesis ang magiging pangangailangan ng mga apektadong residente sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Apela ni Fr. Osmeña ang patuloy na dasal ng mga mananampalataya para sa mga biktima ng pagbaha lalo na sa kanilang magiging pagbangon.

Sinimulan naman ng Caritas Manila ang donation drive nito upang lalo pang makatulong sa Misamis Occidental.

Para sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong o donasyon ay maaring makipag-ugnayan sa numerong 8562 0020 hanggang 25 local 118, 13 o sa mobile number na 0917 595 5083.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 139,714 total views

 139,714 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 147,489 total views

 147,489 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 155,669 total views

 155,669 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 170,188 total views

 170,188 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 174,131 total views

 174,131 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 20,156 total views

 20,156 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 38,909 total views

 38,909 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top