4,605 total views
August 25, 2020-12:32pm
Isang milyong piso ang inilaang tulong ng Caritas Manila para sa mga biktima ng 6.6 magnitude na lindol sa Masbate.
Ayon kay Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radyo Veritas 846, doble ang paghihirap na nararanasan ng mga residente sa Masbate dulot ng lindol at ang kasalukuyang pandemya.
Tiniyak ni Fr. Pascual ang pagtugon ng Caritas Manila para sa pagbangon ng mga mamamayan ng Masbate sa pamamagitan ng pagbibigay ng “Shelter Assistance Program” katuwang ang Diyosesis ng Masbate at ang Social Action Ministry.
“Matindi ang paghihirap ng ating mga kababayan sa Masbate na alam natin na isa sa mga mahihirap na probinsya tapos ay naapektuhan pa ng lindol kaya tayo ay nakipag-ugnayan kay Bishop [Jose] Bantolo at sa Priest in Charge [Social Action] kay Fr. Jenious Mansalay upang ipagkaloob yung tulong, meron tayong almost a million na budget natin para sa rehab ng mga victims ng Masbate Earthquake,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.
Tiniyak din ng pari ang patuloy naman na pagkilos ng Caritas Manila upang matulungan ang mga naaapektuhan pa rin ng kahirapan higit lalu dahil sa kasalukuyan suliranin sa Covid19.
Inihayag ni Fr. Pascual na umabot na sa mahigit P1.7B ang tulong na naipa-abot ng social arm ng Archdiocese of Manila katuwang ang iba’t-ibang mga individual donors at private business group.
“Yung mga naitulong na so far umabot na tayo sa P1.7Billion pesos na yun ang ating na distribute heavily sa Metro Manila at 24 na Probinsya na humingi ng tulong sa Caritas Manila.” Dagdag pa ni Fr. Pascual
Isa din ang Diyosesis ng Masbate sa mga nakatanggap ng Covid Asssistance mula sa Caritas Manila na umabot naman sa P500,000.
Tuloy-tuloy din ang ginagawang donation drive ng Caritas Manila para sa mga naapektuhan ng paglindol at mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Bukas ang nasabing institusyon para sa ano mang pagtulong at pagtugon ng iba’t-ibang grupo o sektor.
HOW TO DONATE ONLINE: (Online bank transfer)
Savings Account Name: Caritas Manila, Inc.
Banco De Oro – Savings Account No.: 000-5600-45905
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank – Savings Account No.: 175-3-17506954-3