3,011 total views
Naglaan ng tig-P500,000 ang Caritas Manila bilang paunang tulong sa mga lalawigan na labis na naapektuhan ng bagyong Odette.
Kabilang na ang mga diyosesis ng Surigao, Tagbilaran, Cebu, Talibon at Maasin.
Ayon kay Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila sa kasalukuyan ay inaalam pa ng Caritas ang iba pang mga lugar na napinsala ng bagyo.
Inaanyayahan din ni Fr. Pascual ang mamamayan na magbahagi ng tulong sa mga nasalanta upang kahit paano ay maibsan ang kanilang pangamba lalo’t nalalapit na ang kapaskuhan.
‘Caritas Manila, through its Damayan Program, is appealing for your prayers and donations for our brothers and sisters severely affected by Super Typhoon #OdettePH’, ayon kay Fr. Pascual.
Ayon pa kay Fr. Pascual, ‘Cash donations at this time of crisis will help meet the initiatives of the Church in providing for their immediate needs.’
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin ang Caritas Philippines sa mga naapektuhang simbahan upang alamin ang lawak ng pinsala gayundin ang mga tulong na kinakailangan ng mga residente.
Una na ring nanawagan nang tulong si Tagbilaran Bishop Alberto Uy para sa pangangailangan ng mga nasalanta.
Ang bagyong Odette ang ika-10 bagyo na pumasok sa bansa na karaniwan ay may 20 bagyo kada taon.