305 total views
September 17, 2020-10:58am
Nagpadala ang Caritas Manila ng $5,000 USD o mahigit sa P242,000 bilang tulong pinansyal para Lebanon matapos ang mapaminsalang pagsabog sa pantalan ng Beirut noong Agosto kung saan halos 200 katao ang nasawi at mahigit 6,000 sugatan.
Ito ay bilang tugon sa panawagan ng Caritas Internationalis sa iba’t-ibang Caritas Organizations sa buong mundo sa layuning makatulong sa pagbangon ng mamamayan ng Lebanon.
Sa sulat na ipinadala ng Caritas Manila sa Caritas Internationalis, inihayag nito ang pakikidalamhati at kagustuhan na makatulong sa mga naapektuhan ng pagsabog lalu’t naganap ang insidente kasabay ng kasalukuyang krisis ng buong mundo sa banta ng pandemya.
“We, at Caritas Manila, the social welfare arm of the Archdiocese of Manila, with its Manila Auxillary Bishop Broderick S. Pabillo as appointed chairman, following the reassignment of Cardinal Luis Antonio Tagle for Rome, and Rev. Fr. Anton C.T. Pascual as its Executive Director, heard the appeal of Caritas Lebanon for help due to the devastation of the recent port explosion that happened in Beirut last August 4, 2020. During this Covid-19 pandemic, this unfortunate disaster which caused a lot of lives, casualties, infrastructure damages and ill effects to our brothers and sisters in Lebanon, left a heavy struggle for everyone to survive. Thus, we wish to donate an amount of USD 5,000 to Caritas Lebanon to support the needs of the affected families and communities. We hope that this amount could contribute to the needs of the people,” bahagi ng liham ng Caritas Manila sa Caritas Internationalis.
Sa ulat, labis na napinsala pantalan sa Beirut matapos sumabog ang mga nakaimbak na Ammonium Nitrate kung saan tinatayang umabot sa 300,000 katao ang nawalan ng tahanan habang humigit kumulang 10 hanggang 15 bilyong piso ang halaga ng pinsala.
Sa kabila nito, patuloy naman ang Caritas Manila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Filipinong patuloy na naapektuhan ng krisis dulot ng Covid19.
Sa pinaka-huling update ng social arm ng Archdiocese of Manila umabot na sa 9.4 milyong indibidwal o 1.8 milyong pamilya ang natulungan ng Caritas Manila magmula noong magpatupad ng mga community quarantine sa bansa.