13,360 total views
Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine.
Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Una nang nakipag-ugnayan si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual kay Caritas Internationalis President at dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang ipahayag ang kagustuhan ng Manila-based Caritas na magpadala ng tulong sa Ukraine.
Sa naging panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Pascual,sinabi nito na ang Caritas Manila ay nakikiisa sa panawagan ng kapayapaan at naniniwala siyang walang sinuman ang nananalo sa digmaan.
Una nang umapela ng pagkakaisa at tulong pinansiyal ang Caritas Ukraine para sa mga mamamayan ng kanilang bansa na naiipit sa kaguluhan.
Sa isang panayam ng Rome-based media agency na Vatican News kay Cardinal Tagle, sinabi nito na labis ang kanyang nararamdamang kalungkutan dahil sa epekto ng patuloy na nagaganap na digmaan.
Umaasa ang Kardinal na hindi pa rin mawawala ang pag-asa na magkakaroon ng usaping pangkapayapaan at matitigil na ang alitan ng dalawang nasabing bansa lalo na bilang paggunita sa panahon ng kuwaresma.
“As Christians, we must trust that hope is always in God. In this season of Lent, the Church – through the Readings – invites us to renew our hope in Jesus Christ. And this hope means the triumph of love, of mercy. We now see concrete signs of this hope. No gun can kill hope, the goodness of the spirit in the human person. There are so many testimonies to this. The hope in Jesus Christ and His Resurrection is true and is seen precisely in the testimony of so many people.” Bahagi ng panayam ng Vatican News kay Cardinal Tagle.
Batay sa datos ng World Population Review tinatayang nasa 43.3 milyong ang populasyon ng Ukraine bago nagsimula ang paglusob ng Russia.
Marami sa mga pamilya ang nagsilikas na sa mga katabi nitong bansa habang ang ilang ay nasa pangangalaga ng mga institusyon ng Simbahang Katolika.