306 total views
Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa mga patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng tulong para sa kapwa na higit na nangangailangan.
Kaugnay ito sa isinagawang Caritas Manila Alay Kapwa 2021 Telethon sa pakikipagtulungan ng Radio Veritas noong Marso 29, 2021 kung saan ay nakalikom na ng P4,371,053.00 mula sa donasyon ng mga kapanalig at benefactors.
Ang nalikom na pondo ay ipantutulong sa relief at recovery efforts para sa mga mahihirap na pamilya na biktima ng kagutuman at malnutrition dahil sa mga nagdaang sakuna at ng umiiral na krisis dulot ng coronavirus pandemic.
Noong nakaraang taon ay natulungan ng Caritas Manila ang nasa higit 10-milyong indibidwal na biktima ng iba’t ibang sakuna tulad ng bagyo, sunog at kawalan ng pagkakakitaan dahil sa epekto ng pandemya.
Unang inilunsad ng simbahan ang Alay Kapwa noong taong 1974 na layong makapangalap ng pondo upang maging standby fund ng simbahan na ginagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayang nasasalanta ng anumang uri ng kalamidad.
Patuloy naman ang panawagan ng social arm ng simbahan na suportahan ang Alay Kapwa Campaign at maging mukha ng pag-ibig ng Panginoon sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Sa mga nais na magbahagi ng tulong ay maaring magpadala ng kanilang donasyon sa Caritas Manila bank accounts:
Savings Account Name: CARITAS MANILA, INC
Bank of the Philippine Islands
Peso Savings Account No.: 3063 5357 01 Dollar Savings Account No.: 3064 0033 55
SWIFT CODE: BOPIPHMM
Banco De Oro
Peso Peso Savings Account No.: 000560045905
SWIFT CODE: BNORPHMM
Metrobank
Peso Savings Account No.: 175-3-17506954-3
SWIFT CODE: MBTCPHMM