662 total views
Muling umaapela ng panalangin at tulong ang social arm ng simbahan, ang Caritas Manila para sa mamamayang labis na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.
Hinihikayat din ng Caritas Manila ang mga nais na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng cash donations upang mas mabilis na makarating sa mga diyosesis na naapektuhan.
Sa ganitong paraan, mas alam at tukoy na sa bawat lugar ang mga kinakailangan ng kanilang nasasakupan gayundin upang makatulong sa lokal na ekonomiya ng apektadong lalawigan.
Una na ring naglaan ng isang milyong piso ang Caritas Manila sa mga lalawigang labis na nasalanta o tig-200 libong piso para sa Archdiocese ng Caceres, mga diyosesis ng Daet, Legazpi, Virac at Gumaca.
Sa mga nis na magbahagi ng tulong:
Account Name: Caritas Manila, Inc.
Banco De Oro Savings Account No.: 000-5600-45905
Bank of the Philippine Islands Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank – Savings Account No.: 175-3-17506954-3
For dollar accounts:
Bank of the Philippine Islands
Savings Account No. 3064-0033-55
Swift Code – BOPIPHMM
Maari ring ipahatid ang tulong sa pamamagitan ng Lazada, Give2Asia at Gcash, GrabPay at Paymaya gamit ang Caritas Manila QR code, na matatagpuan sa Caritas Manila facebook page.
Para sa mga karagdagang katanungan maari ring tumawag sa Caritas Manila sa telepono bilang 8-562-0020.