21,317 total views
Nagpapasalamat si Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa mga nakiisa at nagbahagi sa idinaos na Nature and Fashion with Compassion charity Event.
Sa pangangasiwa ng Caritas Manila katuwang ang Singapore embassy, Makati Garden Club at World Flower Council ay naibenta sa donors at benefactors ang mga damit, artworks, alahas, decorative flower designs at Segunda Manna items na likha naman ng mga Filipino, Singaporean, Vietnamese at Japanese Artists.
Ayon sa Pari, malaking tulong ang kinita para sa mga biktima ng cyber-sex crimes at iba pang uri ng pang-aabuso na nasa kalinga ng Caritas Manila Restorative Justice Program.
“Kaya tayo po ay nagpapasalamat sa mga donors po natin at benefactors na naniniwala sa kahalagahan ng restorative justice upang ating irestore, ibalik natin ang magandang kaayusan ng lipunan, magandang samahan, magandang relasyon ng pamayanan na malayo sa anumang uri ng krimen, kayat nagpapasalamat po tayo sa mga organisers nitong Nature and Fashion With Compassion,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Inihayag ni Ms.Constance See Sin Yuan, Singapore ambassador to the Philippines na katulad ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ay patuloy ang suporta ng kanilang bansa at pagiging aktibo sa mga inisyatibo na tinutulungan ang mga biktima ng pang-aabuso.
“It is a charity show and we have a Singaporean Flower Designer who flew in to support Caritas Manila, this will benefit it’s restorative justice program in support of the welfare and protection of the children and women, Singapore has always been committed to the care, welfare, and protection of women, children and youths, we have enacted legislation and support in UN Program in this and as a close friend of the Philippines, we are committed to working together “ ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Ms.Sin Yuan.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Ms.Emilie Cruz – Organizer ng Nature and Fashion with Compassion at Miyembro ng Makati Garden Club sa mga tumulong, nagbahagi ng donasyon at bumili ng mga art works.
“Makati Garden Club, being an advocacy in nature and the World Flower Council being into floral, we picked them all together to come up with this show, all of them are volunteers and Caritas Manila who’s been sponsoring, catering to this kind of event, I really owe it to them also, this not just the beginning, we are planning to have another one, maybe next year, a little bit earlier than November,” ayon nama nsa panayam ng Radio Veritas kay Ms.Cruz .
Patuloy din ang paanyaya ni Cruz at Ms.Sin Yuan na suportahan ang Caritas Manila Restorative Justice Program para sa mga kababaihan at kabataang biktima ng pang-aabuso, cyber-sexual crimes at human trafficking.
Magugunitang mahigit sa dalawang bilyong pisong pondo ang ipinamahagi g Caritas Manila simula March 2020 hanggang December 2021 sa mga apektado ng COVID 19 pandemic at mga biktima ng kalamidad.