431 total views
106-million pesos ang inalaang pondo ng Caritas Manila upang matulungan sa pag-aaral ang may 4,639 na scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) sa Technical-Vocational at Tertiary level education noong 2021.
Inihayag ni Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na kanilang misyon sa paglilingkod sa Panginoon na tulungan ang mga kabataan na makapag-aral upang makaahon sa kahirapan.
“We believe that education is the great social equalizer if we want to overcome poverty, we have to educate as many youths as we can with knowledge skills and attitude of a servant like the Lord,” mensahe ni Father Pascual.
Ikinagalak naman at kinilala ng Caritas Manila na marami sa kanilang mga scholar ang nakatanggap ng ibat-ibang parangal noong nakalipas na taon.
“Total of 667 YSLEP scholars received school honors and awards. The current batches produced two Magna cum Laude, one cum laude, one board passer, 53 on the President’s list, 494 on Deans List, 26 with honors, 60 academic excellence recipients, and 30 with special awards,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.
Noong 2021 din ay nakumpleto ng mga YSLEP scholar ang mahigit 94-thousand hours nang leadership formation programs na itinakada ng Caritas Manila bilang bahagi ng kanilang scholarship program.
Taon-taon ay umaabot sa mahigit limang libo ang mga YSLEP scholars ng Caritas Manila hindi lamang sa Metro Manila, saklaw din nito ang mga mag-aaral mula sa ibat-ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.