11,976 total views
Matapos ang malawakang pinsala ng bagyong Paeng sa buong bansa, nagpaabot ng “cash aid” ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila sa Luzon, Visayas at Mindanao na lubhang nasalanta ng bagyo.
Nagbigay ng paunang tulong 500, 000 pisong cash ang Caritas Manila sa Archdiocese of Cotabato na matinding nasalanta ng bagyong Paeng kung saan halos 70-katao ang nasawi.
Para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo, nagpadala ang Caritas Manila ng 200,000 pisong cash aid sa Social Action Center ng Diocese of Antique kung saan naapektuhan ng baha ang bayan ng San Jose de Buenavista, Sibalom, Hamtic, Patnongon,Laua-an, Belison,Bugasong, San Remegio,Tibiao,Valderama,Tobias Fornier.
Sa ulat ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction Office, 7,506 na pamilya o 30,328 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
200,000 pisong cash aid din ang ibinigay ng Caritas Manila sa Archdiocese of Capiz Social Action Center at 200,000 piso din sa Diocese of Kalibo sa lalawigan ng Aklan.
Bukod sa cash aid, nagpadala din ang Caritas Manila ng “in kind relief response sa Diocese Of Antipolo na 269 manna pack nagkakahalaga ng (₱269k), Diocese of San Pablo Laguna 340 manna pack (₱340k).
Umabot sa kabuuang sa P1,709,000 pesos ang (Cash & Inkind) assistance ang ibinigay ng Caritas Manila.
Inihahanda na rin ng Caritas Manila ang ipapadalang tulong sa mga lalawigan sa Luzon na hinagupit ng bagyo.
Upang mapalawak pa ang pagtulong, kumakatok ang Caritas Manila sa butihing puso ng mga Pilipino na magdonate sa social arm ng Archdiocese of Manila sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Paeng sa buong bansa.
Nauna rito, nanawagan si Manila Archbishop Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na pairalin ang ugaling pagkawanggawa sa mga naapektuhan ng kalimidad.
Read: https://www.veritasph.net/pagtutulungan-hiling-ni-cardinal-advincula-sa-pananalasa-ng-bagyong-paeng/