Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, umani ng papuri sa mga jeepney driver

SHARE THE TRUTH

 420 total views

Patuloy na binibigyan ng ayuda ng Caritas Manila ang mga jeepney driver na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa Metro Manila.

Ayon kay Caritas Manila executive director Fr. Anton CT. Pascual, napakahalaga ng misyon ng Simbahan na ipinapaalala ng World Mission Sunday na pagtutulungan upang maibsan ang kahirapan at kagutuman ng mga dukha sa bansa.

Inihalimbawa ng pari ang mga jeepney driver na ngayon ay nahaharap sa iba’t-ibang suliranin dahil sa krisis na dulot ng pandemya sa sektor ng pampublikong transportasyon na mas lumiit pa ang kita dahil sa social distancing.

“Ito nga napakahalaga nga ng ginagawa ng Caritas Manila na kawanggawa upang maibsan ang kagutuman ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya. Lalung-lalo na itong mga jeepney drivers at ang kanilang pamilya kasi di nga sila makalabas. Kung makalabas man ay maliit lang ang kita dahil sa distancing,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Pascual ang patuloy na isinasagawang pag-aaral ng Caritas Manila kaugnay sa binabalak na paglikha ng isang kooperatiba para sa mga jeepney drivers na malaki ang maitutulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Bahagi ng layunin ng pagbubuo ng kooperatiba ng Caritas Manila ay upang matulungan ang mga jeepney drivers na makapag-ipon, makapag-loan at magkaroon ng modern jeepney na bahagi ng modernization program.

“Tayo’y nagbabalak na sumuporta sa mga jeepney drivers, magtayo ng isang malaking kooperatiba para matulungan nga sila sa pagbili ng bagong jeep na siyang requirement ng gobyerno. Pero kailangang magkaisa ang mga drivers. Sabi nga may 55-libong driver operators at kung merong tatlong driver na umeextra, siguro meron tayong mahina 200-libong drivers sa Metro Manila lang na jeepney. Napakalaking pwersa n’yan para magpalaki tayo ng isang kooperatiba, dun na sila humiram ng jeep, dun na sila mag-ipon, dun na sila mangutang at ‘pag kumita ang kooperatiba, hati-hati pa sila,” ayon sa kay Fr. Pascual.

Ayon kay Caritas Manila Special operations head Fr. Moises Ciego, bagama’t naaantala ang pagpapatupad ng nasabing kooperatiba ay patuloy pa rin itong pinag-aralan ng mga manager upang mas maging epektibo at maraming matulungan na mga jeepney driver.

Katuwang din ng Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong sa mga jeepney drivers sa Metro Manila ang Caritas Kalookan at Caritas Cubao.

CARITAS MANILA AT CARITAS KALOOKAN

Pagbabahagi ni Caritas Kalookan in-charge Fr. Marcelo Andamon, Jr. OMI, umabot sa mahigit 1,900 jeepney drivers na naapektuhan ng pandemya maging ng jeepney modernization project ng pamahalaan ang natulungan ng Caritas Manila katuwang ang Caritas Kalookan.

Nagpahayag rin ng pasasalamat ang pari sa tulong na ibinahagi ng Caritas Manila sa Diocese ng Kalookan maging sa mga tumulong na donors na naghahatid at nagpapakita malasakit para sa mga higit na nangagailangan na apektado ng pandemya.

“Nagpapasalamat po tayo sa Caritas Manila sa kanilang malasakit para sa Diocese ng Kalookan. Sa ngalan po ng ating mahal na obispo, Bishop Pablo David, nagpapasalamat po ako sa lahat ng donors natin na kung saan, sa kongkretong paraan ay ipinakita po nila ang kanilang malasakit sa mga drivers po natin at marami na po tayong natulungan,” ayon kay Fr. Andamon.

CARITAS MANILA AT CARITAS CUBAO

Ibinahagi rin ni Cubao Social Action Director Fr. Ronnie Santos na mas epektibo at malawak ang naipapaabot na tulong ng Simbahan para sa mga jeepney drivers na hindi makapamasada at walang kinikita sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang social action arm ng mga diyosesis.

Sinabi ng Pari na hindi lamang ayuda ang hatid ng Simbahan kun’di maging ang pagbabago ng kaisipan sa pagpapalaganap ng kooperatiba at plant-based diet na nagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masustansyang paraan ng pamumuhay.

“Kasi sila po ‘yung mga wala pang pasada at yung iba ay bago pa lamang bumabangon. At kailangang-kailangan nila ng suporta ng simbahan kaya ang ganda po ng ginagawa ng Caritas Manila, Caritas Cubao, hindi lang po ayuda ang ibinibigay kung hindi pagbabago ng mentalidad, pagbabago ng kaisipan kasi we are promoting kooperatiba and also plant based diet para po hindi tumigil sa pangangarap ang mga mahihirap, nangangailangan,” ayon kay Fr. Santos.

Nagpasalamat din sa Caritas Manila si Fr. Victor Angelo Parlan, parochial vicar ng Diocesan Shrine and Parish of Saint Joseph sa Project 3, Quezon City sa ipinamahaging tulong ng Caritas Manila sa mga tsuper ng jeep.

“Sa ngalan po ng pamayanan namin dito sa St. Joseph Shrine at ‘yung mga barangay na nasasakupan namin dito, nais naming magpasalamat sa mga generous benefactors at donors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Caritas Manila. Lalo na dito sa amin na maraming jeepney drivers na halos kalahating taon na natengga ‘yung kanilang pasada, sila talaga ‘yung kumbaga yung priority ng aming mga tinutulungan.” ayon kay Fr. Parlan

Lubos din ang pagpasalamat ng Pangulo ng mga jeepney driver association sa Project 2 at 3 na si Sonny Bernardo, sa ipinamahaging tulong ng Caritas Manila.

Ayon kay Bernardo, napakalaking bagay ng tulong na ito sa bawat jeepney drivers na higit na naapektuhan ng pandemya mula ng ipinatupad ang lockdown noong buwan ng Marso.

“Napakasarap po na kami po’y makatanggap ng tulong galing po sa Caritas Manila kasi malaking bagay po sa mga pamilya namin ‘tong naibigay na tulong sa amin. Sa mga donors naman po, laking pasalamat po namin sa kanila. at sana po sa susunod, matulungan pa po kami ulit kasi ang hanapbuhay po namin ngayon ay hindi po talaga sustainable. kumbaga, 50% lang ang karga ng jeep namin, na halos di po kami makaboundary. maka-boundary man po kami, kikita kami kakapiranggot lang po.,” ayon kay Bernardo.

Sa tala, 120 jeepney drivers ang natulungan ng Caritas Manila na may rutang MCU-Sangandaan sa Kalookan; 170 drivers mula sa grupong Piston na may rutang Project 2 at 3 sa Quezon City; at 240 drivers naman mula sa grupong BASICANO sa Camarin, North Caloocan.

Nabigyan din ng ayuda ng Caritas Manila ang mga jeepney driver sa Tondo, Navotas, Taguig at Pasay City.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,544 total views

 3,544 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 13,659 total views

 13,659 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 23,236 total views

 23,236 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,225 total views

 43,225 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,329 total views

 34,329 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

 65 total views

 65 total views Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

 151 total views

 151 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

 791 total views

 791 total views Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito. Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Lahat ng simbahan sa Bicol region, binuksan sa evacuees

 853 total views

 853 total views Binuksan na ng mga diyosesis sa Bicol Region ang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dahil sa banta ng Super Typhoon Pepito. Simula pa kahapon, nag-anunsyo na ang mga parokya mula sa Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan (Camarines Sur), Diocese of Daet (Camarines Norte), Diocese of Virac (Catanduanes), Diocese

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

 1,079 total views

 1,079 total views Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees Ipinag-utos ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na buksan ang lahat ng mga simbahan sa diyosesis bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dulot ng banta ng Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, layunin nitong matiyak ang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

 1,193 total views

 1,193 total views Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna. Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for protection against typhoon, inilabas ni Bishop Santos

 1,313 total views

 1,313 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang patuloy na kaligtasan ng bansa mula sa banta ng Super Typhoon. Ayon kay Bishop Santos, nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng mga sakuna. Dalangin din ng obispo ang katatagan at karunungan ng mga lider ng bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

 1,598 total views

 1,598 total views nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap. Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan sa Bicol, muling naghahanda sa banta ng bagyong Pepito

 1,698 total views

 1,698 total views Naghahanda na muli ang Diocese of Virac para sa inaasahang pagtama ng binabantayang Bagyong Pepito, na may international name na Man-Yi. Sa panayam sa Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Caritas Virac executive director, Fr. Renato dela Rosa, na muling bubuksan ang mga simbahan sa diyosesis upang magsilbing evacuation sites para sa mga residenteng kailangang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, pinangangambahan

 2,169 total views

 2,169 total views Nangangamba si San Carlos Diocesan Social Action Director, Fr. Ricky Beboso, sa posibleng epekto ng patuloy na pagbuga ng makapal na usok at abo mula sa bulkang Kanlaon sa mga kalapit na pamayanan. Ayon kay Fr. Beboso, ang patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan ay nagdudulot ng pangamba hindi lamang sa kaligtasan,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, kinatawan sa COP29 summit

 2,994 total views

 2,994 total views Magsisilbing kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP29 Summit na magsisimula ngayong araw November 11 hanggang 22, 2024 sa Baku City, Azerbaijan. Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring vice president ng Caritas Philippines, ang kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 3,920 total views

 3,920 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 4,725 total views

 4,725 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 4,639 total views

 4,639 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 5,951 total views

 5,951 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top