159 total views
Naglabas ng isang pagbati ang Caritas Philippines sa mga bagong halal na pinuno ng bansa.
Ayon kay Caritas Manila national director Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, kinikilala nito ang naging desisyon ng mayorya.
Gayunpaman, mananatili aniya ang paninidigan ng Simbahan sa pagsusulong ng mga pangunahing karapatang pantao tulad ng kapayapaan, katarungan, pakikisangkot, dignidad ng tao at kaunlaran.
Sinabi pa ni archbishop Tirona na kakampi naman ng bagong pamunuan ang Simbahang Katolika sa patuloy na pagpapahilom ng sugat ng lipunan at sa pagpapahayag ng mabuting pamamahala at kaginhawaan ng lahat lalo na ng mahihirap at mga mahihina.
“The Filipino electorate has chosen a new president a new public official; while leaders come and go, we remain steadfast in the promotion of the basic human rights, of peace, justice, inclusiveness, human dignity, and development. The church encourages unity and reconciliation, while it remains vigilant and continues to exercise its prophetic role for good governance and prosperity for all; especially for the poor and the marginalized. Let us be united, let us work together for the good of the Filipino people. God bless the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Veritas Patrol.
Sa tala ng Commission on Elections (Comelec) tinatayang nasa 18, 069 mula sa national at local positions kasama na rito ang presidente at bise – presidente, 12 senador at 58 partido ang inihalal ng mayorya.