15,524 total views
Binalaan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko laban sa mga mapagsamantalang ginagamit ang pangalan ng opisyal ng simbahan upang manlinlang ng kapwa.
Kaugnay ito sa mga pekeng facebook account na nagpapakilalang si Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag.
Nababahala ang institusyon dahil maaari itong magamit ng mga mapanlinlang upang makapangalap ng salapi at gamitin sa maling paraan.
“These accounts may be used for fraudulent activities such as soliciting funds or personal information,” ayon sa Caritas Philippines.
Pakiusap naman ng Caritas Philippines na tiyakin munang lehitimo ang pagkakakilanlan ng account bago makipag-usap o magsagawa ng anumang transaksyon.
Mas makabubuti namang makipag-ugnayan sa facebook page ng Caritas Philippines upang tiyak na matutugunan ang kinakailangang impormasyong may kinalaman lalo na sa pagbabahagi ng tulong bilang suporta sa mga programa ng simbahan.
“Please be vigilant and exercise caution when interacting with accounts claiming to be Fr. Caluag. Verify the authenticity of the account before engaging in any conversation or transaction,” giit ng Caritas Philippines.