477 total views
Kinilala ng NASSA Caritas Philippines ang kabayanihan ng limang volunteer rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na nasawi matapos malunod sa baha habang nagsasagawa ng rescue operation sa Brgy. Camias San Miguel Bulacan.
Nagpaabot din ang Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawi.
““We are extremely saddened by the tragic death of these rescuers who risked their lives to assist others in the midst of a catastrophe. They are the epitome of bravery and selflessness. We salute their courage and unwavering dedication to public service. We pray for the repose of their souls and extend our condolences to their families,” mensahe at pakikiramay ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – Caritas Philippines National Director.
Inalala rin at binigyang pugay ng Obispo ang pag-aalay ng buhay nina George Agustin, Troy Justin P. Agustin, Marby A. Bartolome, Jerson L. Resurreccion at Narciso Calayag Jr. upang sagipin ang mga binahang residente.
Ilulunsad din ng Caritas Philippines ngayong araw ng September 27 ang “Alay Kapwa solidarity appeal” upang makalikom ng sapat na pondo na gagamitin upang tulungan ang mga higit na nasalanta ng kalamidad.
“Caritas Philippines and the Social Action Network have reactivated the emergency surge teams to assist the affected dioceses. The Alay Kapwa solidarity appeal will also be launched within the day to augment the church’s emergency fund for the response,” ayon sa pahayag ng Caritas Philippines
Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) walong katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyo.
Habang tatlong mangingisda naman mula sa Camarines Norte ang nawawala pa.