37,913 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Caritas Philippines, na humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Simbahang Katolika at mananampalatayang Katoliko sa Nicaragua na dumaranas ng pag-uusig sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.
Ayon kay Caritas Philippines National President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, makakaasa ang Simbahang Katolika ng Nicaragua sa pakikiisa at pananalangin ng mga Pilipino upang mawakasan na ang nagaganap na kaguluhan at karahasan sa bansa.
“We stand with our brothers and sisters in the Catholic Church in Nicaragua in their time of need,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Pagbabahagi pa ni Obispo, nakababahala ang sitwasyon ng mga lingkod ng Simbahan at mga mananampalataya sa nasabing bansa kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pari na inaaresto ng mga otoridad.
Giit ni Bishop Bagaforo, hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ng Nicaraguan government na isang tahasang paglabag sa karapatan ng bawat indibidwal.
“We are deeply troubled by the recent wave of arrests of priests and religious workers in Nicaragua… These actions by the Nicaraguan government are a blatant violation of fundamental rights… a clear attempt to silence dissent and suppress the voice of the Church.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Samantala, nanawagan rin ang Obispo sa international community na isulong ang pagbibigay halaga sa karapatang pantao at tugunan ang nagaganap na kawalang katarungan at karahasan sa bansang Nicaragua.
“We urge the international community to speak out against these injustices and to demand that the Nicaraguan government respect the fundamental rights of all its citizens.” Apela ni Bishop Bagaforo.
Una ng nagpaabot ng pakikiisa at panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga mamamayan partikular na sa mga mananampalatayang Katolika sa Nicaragua na dumaranas ng pag-uusig sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.
Partikular na ipinanalangin ng Santo Papa Francisco ang mga lingkod ng Simbahan na inaresto ng mga otoridad sa bansa na kinabibilangan ng 14 na nga Pari,
dalawang seminarista at isang Obispo.
Kabila sa mga ito si Bishop Isidoro del Carmen Mora Ortega ng Diocese of Siuna na inaresto matapos na hayagang ipanalangin si Matagalpa Bishop Rolando Jose Alvares Lagos na una ng hinatulan ng 26-na taong pagkakabibilanggo dahil sa kasong treason.
Una ng iginiit ng kalipunan ng mga Obispo ng Nicaragua na walang kongkretong basehan ang kaso laban kay Bishop Alvarez na purong mga alegasyon at maling paratang lamang na dahilan upang una ng ipawalang sala ang Obispo at ang iba ang mga inakusahan ng iba’t ibang mga kaso ng kasalukuyang pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni President Manuel Ortega.