Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

SHARE THE TRUTH

 10,124 total views

Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito.

Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto ng sakuna.

Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo ang kahalagahan ng pagtutulungan upang makapaghatid ng ginhawa, lakas, at pag-asa, lalo na sa mga pamilyang maaapektuhan ng Bagyong Pepito.

“As Typhoon Pepito approaches, let us prioritize safety and prepare for its potential impact. Caritas Philippines is ready to extend our hands to those in need. Let us open our hearts and share whatever we can to uplift those who will be most affected. Together, we can bring comfort, hope and strength to one another. Let’s go all out and be ready. All hands on board tayo,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Philippines sa mga diyosesis, lalo na sa mga daraanan ng Super Typhoon Pepito, upang agarang matugunan ang pangangailangan lalo na ng mga pamilyang nagsilikas.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagbabanta ang matinding pinsala at mapanganib na kalagayan sa hilagang-silangang bahagi ng Bicol Region dahil sa patuloy na paglakas ng Super Typhoon Pepito.

Nakataas na ang Signal No. 5 sa Catanduanes, habang Signal No. 4 sa hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur at hilagang- silangang bahagi ng Albay.

Samantala, Signal No. 3 naman sa Polillo Islands, timog-silangang bahagi ng mainland Quezon, Camarines Norte, mga nalalabing bahagi ng Camarines Sur at Albay, hilagang bahagi ng Sorsogon, silangan at gitnang bahagi ng Northern Samar at hilagang bahagi ng Eastern Samar.

Hinihikayat ang lahat ng apektadong residente na makinig sa mga babala ng PAGASA at sumunod sa mga utos ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 18,976 total views

 18,976 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 26,754 total views

 26,754 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 34,934 total views

 34,934 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 51,255 total views

 51,255 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 55,198 total views

 55,198 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top