2,078 total views
Nakiisa ang Caritas Philippines sa panawagang suporta ng sektor ng magsasaka sa pamahalaan.
Iginiit ni Caritas Philippines national director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na lubhang kailangan ng mga magsaaka ang financial incentives at subsidies upang tugunan ang krisis sa pagkain sa kasalukuyan.
“The government should provide financial incentives or subsidies to help our farmers grow more onions and lower the cost of production, this will make them more competitive with producers from other countries who are already receiving large subsidies and other forms of support from their government.” ayon sa pahayag ng Obispo.
Ayon kay Bishop Bagaforo, napapanahon narin ang pagpaparami ng pamahalaan sa mga cold storage facilities upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng ibat-ibang agricultural products.
Naunang umaapela ng tulong sa pamahalaan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) upang maibsan ang pasakit na nararanasan ng mga onion farmers.
Ito ay matapos umabot sa 700-piso ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan noong unang linggo ng Enero ng dahil sa kakulangan ng suplay.
Ayon kay Danilo Ramos – Chairperson ng KMP, mahalagang kagyat na ipatupad ng pamahalaan ang hanggang sa 15-libong pisong financial assistance sa mga magsasaka upang mapalakas ang produksyon hindi lamang ng sibuyas kungdi pati narin ang iba pang lokal na suplay ng pagkain.
“Hirap na kalagayan ng magsasaka ng onions, mataas ang presyo ng abono at cost of production, binabarat ng trader during harvest season, no cold storage para sa magsasaka, dapat may gov’t subsidy (15K/Ha) at mamili ang government directly sa mga farmers.”mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Ramos.