350 total views
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang NASSA/CARITAS PHILIPPINES sa mga nasalantang Diyosesis ng bagyong Odette.
Ayon kay Caritas Philippines Humanitarian Program Head Jeanie Curiano, bago pa mag-landfall ang bagyong Odette sa Surigao at Dinagat Islands ay nakipag-ugnayan na ang Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang paghahanda sa mga inaasahang masasalanta ng bagyo.
Ang tuloy-tuloy na ugyanan ng Caritas Philippines sa mga sinalantang Diyosesis ay naputol ng kawalan ng kuryente at komunikasyon.
Inihahanda na rin ng Caritas Philippines ang situational report sa sitwasyon ng mga nasalanta at iba pang impormasyon na may kaugnayan sa bagyo.
“We are doing coordinating and monitoring with the dioceses along the of Odette in the last 3 days na. updates on their status is on going. Challenge now is on communication cause as of yesterday ay wala nang electric current. we are preparing for a sitrep1.” ayon sa mensahe ni Curiano sa Radio Veritas.
Ayon sa pinakahuling pag-uulat ng Caritas Manila Damay Kapanalig, ang Arkidiyosesis ng Cagayan De Oro kasama ang apat na Diyosesis ng Surigao, Butuan, Tagbiliran at Maasin ang pinakamalubhang nasalanta ng Bagyong Odette.
Naunang nanawagan ang diocese of Tagbilaran ng panalangin at tulong para sa mga apektado ng bagyo.
Read:Diocese of Tagbilaran, nanawagan ng panalangin at tulong