24,101 total views
Nananawagan ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nanalong kandidato ng nagdaang Barangay at Sangguniang na matapat na paglilingkod sa kapakanan ng buong pamayanang nasasakupan.
Ayon kay Caritas Philippines National President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay maayos na matanggap ng mga mamamayan ang mga programa ng gobyerno.
Paliwanag ng Obispo, kinakailangang iwaksi ng mga halal na opisyal ang pansariling interes sa posisyon sa halip ay unahin kabutihan at kapakanan ng taumbayan o ang common good.
“We urge you to serve the best interests of your barangays and to work tirelessly to improve the lives of your constituents,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Nagpapasalamat naman si Bishop Bagaforo sa lahat ng mga nangasiwa sa pagtiyak ng kaayusan, kapayapaan at katapatan ng nagdaang halalan kabilang na ang mga kawani ng Commission on Elections (COMELEC), Pambansang Pulisya ng Pilipinas, volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), lalo’t higit ang mga guro na nangasiwa ng halalan sa loob ng mga silid aralan.
“We thank you for going beyond your civic duty and for your commitment to ensuring that our elections were free, fair, and peaceful… Your sacrifices and dedication are truly commendable.” Mensahe ni Bishop Bagaforo.
Tiniyak din ni Bishop Bagaforo ang tuwinang pakikibahagi ng Simbahan upang tulungan ang mga lingkod ng barangay at sangguniang kabataan na isulong ang ng kaayusan at kaunlaran sa pamayanan.
Batay sa monitoring ng COMELEC sa pangkabuuan ay naging maayos at mapayapa ang nakalipas na halalang pambarangay kung saan walang anumang naitalang failure of election sa anumang panig ng bansa.