1,808 total views
Pinuna ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Japan na magtapon ng kontaminadong tubig sa Pacific Ocean mula sa Fukushima nuclear power plant.
Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pasya ng pamahalaan ng Japan ay magdudulot na labis na kapahamakan sa kalusugan ng tao at kapaligiran.
Kaisa ang Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conferences ng Japan at South Korea upang mahigpit na tutulan ang planong pagtatapon ng mapanganib na tubig sa karagatan.
“We call on the Japanese government to reconsider its decision and to find a safe and responsible way to dispose of the contaminated water.” panawagan ni Bishop Bagaforo.
Bukod dito, nananawagan din si Bishop Bagaforo sa pamahalaan ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang anumang planong pagtatayo o pagbuhay sa nuclear power plant sa bansa dahil sa negatibong epekto ng radioactive materials.
Halimbawa nito ang Bataan Nuclear Power Plant na itinayo sa panahon pa ng diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nananatiling sarado dahil sa patuloy na pagtutol ng iba’t ibang grupo at simbahan.
“Nuclear energy is not a safe or sustainable option for the Philippines. Maybe this is our warning that nuclear energy is still not a viable, pro-poor and pro-environment solution.” ayon kay Bishop Bagaforo.
Iminungkahi naman ng obispo sa pamahalaan na mamuhunan sa renewable energy upang patuloy na maisulong ang malinis, ligtas, at abot kayang enerhiya para sa lahat.
“Renewable energy is the future of our planet, and it is the only way to ensure a clean and healthy environment for future generations.” saad ng obispo.
Nagsimulang magpakawala ng ‘treated wastewater’ ang Japan nitong Agosto 24, 12 taon matapos mapinsala ng malakas na paglindol at tsunami ang Fukushima powerplant noong 2011.
Aabot sa 1,000 tangke na naglalaman ng higit isang milyong metrikong toneladang treated wastewater ang tatanggalin mula sa powerplant, at maaaring magtagal ang proseso sa loob ng 40 taon.