158 total views
Nagsasagawa na ng assessment ang Caritas Philippines kaugnay sa epekto ng malakas na lindol sa central Mindanao, kabilang na sa Kidapawan city.
Ayon sa Caritas Philippines patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa bawat social action center ng mga diyosesis sa Mindanao na naapektuhan ng 6.3 magnitude na lindol.
“The Surge Team of NASSA/Caritas Philippines in action! On-going monitoring and coordination with Mindanao dioceses affected by the 6.3 earthquake. We request that if you have information especially photos and data, please send them to us,” ayon sa facebook post ng Caritas Philippines.
Hinikayat din ng social arm ng simbahan ang mamamayan ng Mindanao na magpadala ng mga impormasyon, larawan ng mga pinsala at pangunahing pangangailangan para sa kagyat na pagtugon.
Una na rin nanawagan ng panalangin si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng panalangin para sa kaligtasan ng mga taga-Mindanao lalu’t ilang mga malalakas na aftershocks ang naramdaman matapos ang malakas na pagyanig.
“No major damages to our cathedral and other churches. Commercial building and other infrastructures in Kidapawan and other towns were moderately affected. Government engineers have been busy this day inspecting and assessing them. We have 3 aftershocks quakes today,quite strong. Because of this, people are still on their toes. No classes till Monday in Notre dame kidapawan College in all levels. Prayers,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Ayon pa sa obispo, wala namang malaking pinsala ang katedral bagama’t ilang mga simbahan, paaralan at mga gusali sa kidapawan ang naitala.
Idineklara rin ng Kidapawan na walang pasok ang mga estudyante sa lahat ng antas sa Notre Dame College gayundin sa mga paaralan sa South Cotabato, Koronadal City maging sa bayan ng Tupi, Tampakan, Tantangan, T’boli, Norala, Lake Sebu at Banga.