641 total views
Umapela ng panalangin ang Caritas Ukraine kasunod na kaguluhan na nagaganap ngayon sa kanilang bansa dahil sa pag-atake ng Russia.
Sa isang Facebook post na inilabas ng Caritas Internationalis, sinabi ni Caritas Ukraine President Tatiana Stawnychy na naka-antabay sila sa mga posibleng gagawing pagtulong para sa mga sibilyan na maaapektuhan ng kaguluhan lalo na ang mga mapapalikas.
Ikinalungkot ni Stawnychy na nagaganap pa din ang ganitong uri ng digmaan at alitan sa makabagong panahon.
Prayoridad ang Caritas Ukraine ang kaligtasan ng kanilang mga kasamahan ngunit naghahanda na sila para sa pagkilos at pag-agapay lalo na sa mga magsisilbing Internally Displaced Person o IDP’s dahil sa kaguluhan.
“I am appealing to you today about the situation in our country as recorded russia has launch a full scale attack in early hours of this morning February 24th in all the territories of the country, it is hard to believe that in the 21st century that we were waking up to the sounds of explosions and of area sirens. I just want to share with yo ua little bit on what Caritas is doing today. We’re holding emergency meetings and confirming news as the information comes in. We are very concerned for the safety of our staff and we are also positioning ourselves to be able to do what our mission which is to help people in need and to respond to the looming IDP Crisis which we expect to be unraveling in the next 24 to 48 hours we’ll keep you inform as situation develops we ask for your solidarity prayers and support to help us respond to the needs on the grounds,” mensahe ni Stawnchy ilang oras matapos pormal na magpahayag ng paglusob ang Russia sa kanilang bansa.
Sa isang panayam naman ng Vatican News kay Caritas Ukraine Communications Director Vladyslav Shelokov, sinabi nito nag tinitipon na nila ang kanilang mga resources upang makapagbahagi nito sa mga mangangailangan.
Gayunpaman aminado si Shelokov na kakailangan nila ng suporta at tulong ng iba pang mga Caritas Organization lalo na’t posibleng tumaas ang bilang ng mga IDP’s sa mga darating na araw.
“We are gathering our resources to respond to the potential humanitarian crisis. We are working closely with our partner organizations from all Caritas networks to collect enough resources to cover all needs which soon will be even more increased,” pahayag ni Shelokov.
Magugunitang una nang nagpahayag ng pag-apela si Pope Francis para sa pagkakaroon ng kapayapaan. hinimok din ng Santo Papa ang lahat nana magdasal at mag-ayuno sa Ash Wednesday o ika-2 ng Marso na tatawagin ding “A Day of Fasting for Peace”.