291 total views
Nagpahayag ng labis na pasasalamat sa mga donors ng Caritas Manila ang mga benepisyaryo at nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Youth Servant Leadership Program (YSLEP).
Dahil na rin sa kahalagahan ng bawat bagay na ibinibigay ng mga taong nagmamalasakit upang matulungang maabot ang pangarap ng mga kabataang walang kakayahang pinansyal pantustos sa kanilang pag-aaral.
Sa pamamagitan ng mga donasyon na ibinabahagi ng mga mananampalataya ay katumbas nito ang tagumpay ng isang indibidwal at maaring maging daan makaahon ito sa karukhaan.
Raniel Policarpio
4th Year College
“Thank you so much for your ever loving support and thank you for not doubting to give every single peso you have to Caritas kasi it helps so much doon sa mga taong nangangailangan especially to us, we need help in order for us to finish our studies. We appreciate every single peso you give.”
Cora Hazel Casingal
4th Year College
“Maraming salamat po from the bottom of our hearts. Hindi po ninyo alam kung gaano niyo po kami sobrang natutulungan sa lahat ng bagay sa pag-aaral po namin especially financially. Maraming salamat sa walang sawang pagtulong sa samin para maabot ang aming mga pangarap.”
Marco Apolinario
1st year College
“Maraming salamat po dahil isa ako sa naging scholar ng Caritas at maraming salamat sa mga sponsors na walang sawang tumulong para sa aming pag-aaral.”
Sa pahayag ni Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas, tiniyak nito ang patuloy na pagtulong sa mga mananampalataya lalo na sa mga kabataan na makapagtapos sa pag-aaral sa kolehiyo at sa Tech-Voc.
Higit sa 5, 000 ang mga estudyanteng tinutulungan ng Caritas Manila-YSLEP sa buong Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang pananampalataya maging mga Muslim at mga katutubong hindi naaabot ng tulong ng ilang institusyon ng pamahalaan.
Nais din ng Caritas Manila na palawakin ang scholarship program upang mas maraming mga kabataan ang makapagtapos kung saan nitong 2018 ay mahigit sa 1, 000 scholar ng YSLEP ang nakapagtapos at karamihan dito ay nagmula sa Kanlurang Kabisayaan na nabiktima ng bagyong Yolanda kabilang na sa Tacloban.
Tiniyak naman ng mga scholar ang pagtulong sa iba pang mga kabataan kapag nagtapos na ito sa pag-aaral bilang balik handog sa mga biyayang naitulong ng kapwa sa kanila.
Sa ensiklikal ni Pope Pius XI na Divini Illius Magistri o On Christian Education mahalagang mabigyan ng karampatang edukasyon ang bawat kabataan partikular sa mga katuruan ng Simbahan upang matulungang mahubog ang pagkatao at maging ganap na bahagi ng lipunan.