Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cash aid ng Caritas Manila, natanggap na ng SAC Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

 1,820 total views

Naipadala na ng social arm ng Archdiocese of Manila ang paunang tulong para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Egay sa Cagayan.

Ayon kay Tuguegarao Social Action director Fr. Andy Semana, ang natanggap na P200,000 tulong mula sa Caritas Manila ay ilalaan sa recovery efforts para sa mga nagsilikas na pamilya.

Higit na naapektuhan ng kalamidad ang bayan ng Abulug na umabot sa higit 100 pamilya ang nagsilikas dulot ng pagbaha.

“Ang nabanggit sa akin ng parish priest ay kailangan ng hygiene kits at thermal kits. As in basang-basa raw ‘yung mga gamit ng mga residente doon, walang-wala daw po talagang na-save sa kanilang mga gamit,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Semana, nalubog sa baha ang tahanan at kagamitan ng mga residente lalo na ng Barangay Dana-Ili.

Dalangin ng pari na matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay ay hindi na magdulot pa ng pinsala ang binabantayang Bagyong Falcon na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility.

“Hopefully, hindi malakas itong Bagyong Falcon. Konting ulan lang kasi doon sa Abulug talagang na-o-augment ‘yung baha doon sa kanila kasi isang part lang ‘yung humupa ang tubig,” ayon kay Fr. Semana.

Nagpapasalamat naman ang SAC Tuguegarao sa agarang pagtugon ng Caritas Manila para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa higit 8,000 pamilya o 27,000 indibidwal ang apektado ng Bagyong Egay sa Cagayan.

Huli namang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Service Administration (PAGASA) ang Bagyong Falcon sa silangang bahagi ng Central Luzon at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,601 total views

 34,601 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 49,678 total views

 49,678 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 55,649 total views

 55,649 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 59,832 total views

 59,832 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 69,113 total views

 69,113 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

80 bansa, nakibahagi sa “one million children praying the rosary”

 10 total views

 10 total views Umaasa ang pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na sa pamamagitan ng pagbubuklod sa pananalangin ay makamit ang inaasam na kapayapaan at pagkakaisa sa buong daigdig. Ito ang mensahe ni ACN Philippines national director Max Ventura kaugnay sa matagumpay na One Million Children Praying the Rosary for

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DTI at FDA, hinamong mag-inspection sa mga pamilihan sa Metro Manila

 241 total views

 241 total views Hinamon ng BAN Toxics ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng pagsusuri sa mga pamilihan sa Metro Manila matapos matuklasan ang talamak na pagbebenta ng mga laruang may sangkap na lead sa Metro Manila. Natuklasan sa pagsusuri ng grupo na 41 mula sa 50

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, makikiisa sa One million children praying the Rosary

 406 total views

 406 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa pandaigdigang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo para sa ganap na pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan. Sa liham sirkular, hinikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na tipunin ang mga kabataan upang makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayang apektado ng pagmimina, nanawagan ng rescue sa pamahalaan

 653 total views

 653 total views Nanawagan para sa agarang kaligtasan ang mga pamayanang apektado ng pagmimina sa mga lalawigan ng Palawan, Romblon, South Cotabato, at Surigao del Sur. Ayon kay Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) advocacy coordinator Maya Quirino, lumalaki ang pangamba ng mga apektadong pamayanan sa bansa kaugnay sa pagdami ng mga proyekto sa pagmimina

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagpahayag ng pagbati sa kauna-unahang obispo ng Diocese ng Prosperidad

 891 total views

 891 total views Nagpahayag ng pagbati ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakatalaga kay Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang unang obispo ng bagong tatag na Diyosesis ng Prosperidad sa Agusan del Sur. Nagagalak ang Caritas Philippines sa panibagong misyon ni Bishop Labajo ay magbubunsod upang higit na maipalaganap

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tao ang kayamanan ng Pilipinas-bishop Aseo

 2,230 total views

 2,230 total views Hinamon ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mga lider ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga katutubong nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa. Ayon sa obispo, ang kayamanan ng isang bansa ay hindi dapat sukatin sa pisikal o materyal na yaman lamang, bagkus, ang tunay na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

 4,315 total views

 4,315 total views Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan. Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi

Read More »
Discuss Socio-Political Church Issues
Michael Añonuevo

UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

 4,829 total views

 4,829 total views Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive. Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagiging huwaran ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, kinilala ni Bishop Aseo

 5,008 total views

 5,008 total views Binigyang-diin ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mahalagang gampanin ng simbahan sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ayon kay Bishop Aseo, dapat kilalanin ang kultura at ambag ng mga katutubo, na likas na mga tagapangalaga ng mga likas na yaman, at nagpapakita ng pamumuhay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-4 na Bike for Kalikasan, isasagawa sa Visayas Region

 5,018 total views

 5,018 total views Mahigit 250 siklista at mga tagapagtanggol ng kalikasan ang nagtipon-tipon para sa 3rd Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro City noong October 5. Naging matagumpay ang gawaing inorganisa ng Caritas Philippines katuwang ang Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan kabilang sa mahalagang bahagi ang makasaysayang deklarasyon ng climate emergency sa arkidiyosesis.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ihinto ang pamumuhunan sa fossil fuel, panawagan ng Simbahan sa SMC

 6,072 total views

 6,072 total views Nananawagan sa San Miguel Corporation (SMC) ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at stakeholders ng kumpanya na ihinto na ang pamumuhunan sa fossil fuels at lumipat na sa renewable energy. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, nagkaisa ang mga mga kasapi, iba’t ibang organisasyon, at social action centers ng simbahan, at stakeholders ng SMC upang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

 8,725 total views

 8,725 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo. Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 8,500 total views

 8,500 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 9,472 total views

 9,472 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 11,303 total views

 11,303 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top