185 total views
Tinutulan ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang dagdag na cash allowance sa rice subsidy ng mahigit sa apat na milyong beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
Ayon kay Bishop Bagaforo, maaaring gamitin lamang ang dagdag na P600 na rice subsidy ng 4.4 na milyong benepisaryo sa ilalim ng Conditional Cash Transfer Program o 4Ps sa pagsususgal at pagbibisyo.
Para kay Bishop Bagaforo, mas makabubuti na isang sako ng bigas ang ibibigay sa CCT beneficiaries.
“Sana naman equivalent to one sack of rice din kahit P1,000 is good enough for the one sack of rice rather than P600…Hindi magandang alternatibo yun kung talking about alternative kasi it can be used for anything for any other thing except rice puwede ring gamitin yun earning. Mawala yung purpose na ibili ng bigas baka gamitin nila ng pantaya sa lotto o pansugal.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa kasalukuyan ay mayroong 4,387,371 pamilya ang miyembro ng 4Ps.
Nabatid na sa inilabas na datus ng Social Weather Stations nasa 11 milyon ang walang trabaho sa bansa.
Nauna na ring iminungkahi ni CBCP – Episcopal Commission on the Laity at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang “work for food” bilang alternatibo sa dole out system ng pamahalaan at maiwasan ang kultura ng katamaran.
Read: http://www.veritas846.ph/work-food-itaguyod-kapalit-ng-dole-system/