Pagbasura ng DOLE sa wage increase ng mga manggagawa, kinundena
12,561 total views
12,561 total views Kinundena ng Church People Workers Solidarity o CWS ang pagtutol ni Department of Labor and Employment secretary Bienvenido Laguesma sa mga panukalang itaas ang sahod ng mga manggagawa. Dismayado si CWS national chairman San Bishop Gerardo Alminaza at CWS-NCR chairman Fr.Noel Gatchalian sa pahayag ni Laguesma na ang isinusulong na wage hike ay