Filipino seafarers, tinawag na “silent evangelizers” ng Caritas Philippines
8,141 total views
8,141 total views Binansagan ng Caritas Philippines ang mga Filipino seafarer bilang ‘silent evangelizers’ dahil sa pagpapalaganap sa pananampalataya habang naglalayag at nagtatrabaho sa ibayong dagat. Ito ang papuri at pagkilala ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa Filipino seafarers sa paggunita ng National Seafarers sunday tuwing huling linggo ng Setyembre sa Pilipinas.