3,528 total views
Bilang paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum.
Ilulunsad ang Catholic E-Forum sa ika-14 ng Pebrero 2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.
Tampok sa araw-araw na Catholic E-Forum ang vision, plataporma at adbokasiya na isinusulong ng mga kandidato sa pagka-presidente, Vice-President at Senador sa kalikasan, kultura,ekonomiya at pulitika.
Inihahandg ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, RCAM-Archdiocesan Office of Communications, TV Maria, Radio Veritas Asia,Catholic Media Network at Veritas 846 ang Catholic E-Forum.
Sa ika-14 ng Pebrero 2022, live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM, Radio Veritas FB page, Radio Veritas Asia, TV Maria, RCAM-AOC, Catholic Media Network (CMN), Skycable Channel 211 at ibat-ibang Social Communications Ministry ng Simbahan ang “one-on-one interview” kay Presidenial candidate Leody de Guzman.
Itatampok ang Catholic E-Forum sa programang Barangay Simbayanan mula alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga (8AM-10AM) kasama ang Veritas Anchors na sina Angelique Lazo at Rev. Fr. Jerome Secillano.
Layunin ng Catholic E-Forum na makilala at malaman ng mga botante ang paninindigan sa mga problemang kinakaharap ng bansa at plataporma ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senador sa May 9, 2022 national at local elections.
Sa ika-15 ng Pebrero 2022, si Presidential candidate Dr. Jose Montemayor Jr. naman ang maglalatag ng kanyang mga plano at adhikain sa Catholic E-Forum.